17 patay matapos mahulog sa bangin ang bus sa Antique

17 patay, 11 nasaktan matapos mahulog sa bangin ang bus sa Antique

Pauline del Rosario - December 08, 2023 - 04:36 PM

17 patay, 11 nasaktan matapos mahulog sa bangin ang bus sa Antique

PHOTO: Iloilo City Emergency Responders

HINDI bababa sa 17 ang bilang ng mga pasaherong namatay matapos mahulog ang sinasakyang bus sa isang bangin sa Antique.

Ayon sa police investigation, nangyari ang insidente noong Martes, December 5, nang tanghali sa tinatawag na “killer curve” sa bayan ng Hamtic.

28 na mga pasahero ang sakay ng Ceres Liner bus na nagmula pa sa Iloilo City.

Nag-malfunction daw ang preno ng bus kaya nahulog ito sa 18-meter (60-foot) cliff na kung saan naipit ang ilang mga pasahero sa ilalim ng bus.

Nahirapang ilabas ng mga awtoridad ang ilang mga pasahero na umabot ng mahigit sampung oras ang pag-rescue na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Bukod sa mga nasawi, pito ang nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyan nang nagpapagamot sa ilang ospital sa Iloilo at may apat na iba pang nasa stable na ang kondisyon, ayon sa Antique provincial government.

Ang mga kinilalang namatay ay ang driver na si Ricky Serios, bus inspector na si Jose Glen Fandagani, ang konduktor na si Wilmar Marcelino, inspector Jevy Burdago, at sina Wilbur de Llava, Jim Andrie Secondes, Nelson Espina, Francis John Vuelga, Fritzie Javellana, Zairon Alcala, Ramon Salvani, Janine Marquez, Jomarie Alcala at Tom Elizaga.

Patay rin ang dalawang foreigners na si Federica Singh mula India at ang missionary worker from Kenya na si Patrick Mosumi.

Baka Bet Mo: 5 ‘isnaberong’ taxi driver inaresto ng LTO, iba pang tsuper binalaan

Samantala, hindi pa matukoy ang isa pang lalaking sumakabilang-buhay na nasa pagitan ng edad na 29 at 35.

Ang mga biktima ay makakatanggap ng financial assistance, pati ang medical at burial expenses nila ay sasagutin mismo ng nabanggit na bus company.

Bukod diyan, magbibigay din ang Antique Government ng initial na P20,000 financial assistance para sa bawat pamilya na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa nangyari.

Nag-pledge din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P10,000 para sa mga namatayang pamilya.

Ayon kay Antique Governor Rhodora Cadiao, maraming sasakyan na ang nahulog sa “killer curve.”

Sa katunayan nga raw ay nai-report na niya ang nasabing lugar sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Regional Development Council.

“I would like to believe that that road has a design fault. The DPWH should study very hard why vehicles are prone to accidents in that area alone,” sey ni Cadiao.

Taong 2018, tatlong bus ang nahulog sa magkaibang petsa na kung saan ay aabot na sa halos 30 na katao ang namatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa sumunod na taon ay naulit ang insidente at tatlo ang nasawi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending