Ogie Diaz pinatatahimik sa isyu ng umano'y break up ng KathNiel

Ogie Diaz pinatatahimik sa isyu ng umano’y break up ng KathNiel

Therese Arceo |November 28,2023
facebook
share this

Ogie Diaz pinatatahimik sa isyu ng umano’y break up ng KathNiel

Therese Arceo - November 28, 2023 - 12:26 PM

Ogie Diaz pinatatahimik sa isyu ng umano'y break up ng KathNiel

Ogie Diaz

IBINAHAGI ng talent manager na si Ogie Diaz na may mga taong nais siyang patahimikin hinggil sa pagsasalita sa diumano’y break up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kanyang latest upload sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” kasama si Mama Loi at Mrena, inamin niyang may tumatawag sa ABS-CBN para huwag na hayaang mag-ulat ng mga balitang may kinalaman sa KathNiel.

“Meron daw nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN na kung pwede raw na patigilin ako, kami dito na magbalita tungkol sa Kathniel sa breakup diumano, lalo na kay Daniel… Pinapatigil kami,” pagbabahagi ni Ogie.

Paglilinaw ng talent manager, wala pa naman siyang natatanggap na pakiusap mula sa management ng Kapamilya network ukol rito.

Sa kabila nito ay may nasagap naman si Ogie na chikang may lumapit daw sa kampo ni Kathryn upang sabihan na patahimikin ang talent manager.

“Meron pang nakarating sa akin, meron namang nakipag-usap sa kampo ni Kathryn Bernardo. ‘Yun na nga, parang nakarating kay Kathryn na merong nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN para patigilin ako.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binansagang ‘fake news peddler’ ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang sabi ng kampo ni Kathryn, nakarating lang naman sa akin ito, ang sab, ‘Let them be.’ Ibig sabihin, hayaan n’yo na sina Ogie na gawin ang trabaho nila. Parang ganoon ‘yung ‘let them be,” sey pa ni Ogie.

Nilinaw rin niyang hindi ito nanggaling mismo kay Kathryn at sa halip ito ay mula sa isa sa mga kampo ng dalaga.

Ipinagtanggol rin ni Ogie ang sarili at sinabing wala siyang pinapalaganap na fake news ukol sa KathNiel.

“Una sa lahat, wala po kaming ibinabalita rito na nakakasirang-puri kay Kathryn, kay Daniel, o sa relasyon. Ang lagi rin naming sinasabi rito, ‘yun lang po ang nababalitaan namin pero hindi pa confirmed,” sabi ng talent manager.

“Kaya ‘yung iba inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya nga sinasabi naming hindi pa confirmed,” dagdag pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nag-trending si Ogie sa X (dating Twitter) matapos nitong ibalita na hiwalay na ang KathNiel at dawit rin sa isyu ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Paglilinaw niya, wala pa itong kumpirmasyon at dalangin rin niyang maglabas ng pahayag ang KathNiel upang linawin sa mga tagasuporta ng mga ito ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending