Ogie Diaz sa mga celebrity couples na nababalitang hiwalay na: Tatlong salita lang ang kailangan, 'kami pa rin'

Ogie Diaz sa mga celebrity couples na nababalitang hiwalay na: Tatlong salita lang ang kailangan, ‘kami pa rin’

Therese Arceo |November 15,2023
facebook
share this

Ogie Diaz sa mga celebrity couples na nababalitang hiwalay na: Tatlong salita lang ang kailangan, ‘kami pa rin’

Therese Arceo - November 15, 2023 - 09:29 PM

Ogie Diaz sa mga celebrity couples na nababalitang hiwalay na: Tatlong salita lang ang kailangan, 'kami pa rin'

Mama Loi, Tita Jegs, Ogie Diaz

NAGBIGAY ng payo ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa mga celebrity couples at love teams na naiisyung hiwalay na.

Sa kanyang latest episode ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ay napag-usapan nila ang recent cryptic post ni Xian Lim sa kalagitnaan ng isyung diumano’y hiwalay na sila ni Kim Chiu.

Ani Ogie, “‘Yung mga love teams na mga sikat, madami ‘yan, wala na akong tutukuyin. Kapag may mga ganyan, may mga issue sa inyo, kayo na mismo maglinaw. Kumbaga, you owe it to your fans lalo na doon sa talagang avid supporters ninyo. Kailangan nilang makakuha ng assurance na ‘sila pa rin ba?’

“Ang dali dali namang sagutin. Hindi naman kakailanganing mahaba ang ating mga pino-post. Tatlong salita ang kailangan n’yo lang sabihin at ibigay na assurance sa mga fans ninyo, sa mga nagmamahal sa inyo, sa mga nalulungkot sa balita, sa mga nagugulumihanan sa balita, at sa mga gutom sa kasagutan ng kanilang mga idolo. Tatlong salita— kami pa rin. Matatahimik na ang mga fans.”

Saad pa ni Ogie, utang ng mga artista sa kanilang fans kung nasaan sila ngayon at dapat lang na bigyan sila ng assurance.

“You owe it to them. Kung kayo pa rin, sabihin n’yo kayo pa rin. Tapos na. Sarado na ang issue. Wala nang ibang mga intriga pang papasok kasi tinapos n’yo na,” sey pa nito.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nagpakumbaba: ‘Kung na-offend man ‘yung iba sa aming ibinabalita, in general po ito ha, kami po ay humihingi ng sorry’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ni Mama Loi sa mga sinabi ni Ogie, kapag hindi raw kasi nagsasalita ang mga artista ay may tendency ang mga fans na humanap ng resibo o patunay na may relasyon pa ang mga iniidolo.

“Pero siyempre, di ba, unless talaga, ‘yung iba ini-enjoy nila ‘yung ganyan na pinag-uusapan sila. Wala akong partikular na pinatutungkulan a. Huwag nating pairalin ang kabobohan… Kasi nami-misinterpret ng iba.

“Ang sinasabi ko, para sa inyo tong mga fans. Kailangan n’yo ng sagot. Kailangan n’yo ng assurance kung ang mga idolo n’yo ay sila pa rin. Ngayon kung sasabihin n’yo sa akin na ‘Hindi nila kailangang mag-explain sa ‘yo Ogie Diaz. Bat mo hinihingi ‘yun?’ edi wag nang para sa akin, para na lang sa inyong mga nagmamahal, na patuloy na sumusuporta,” chika pa ng talent manager.

Sabi pa ni Ogie, kung sakali man na ang mga celebrity couple ay dumaraan sa pagsubok ay sana’y sabihan rin ang fans upang maipagdasal ang mga ito pati na rin ang kanilang relasyon.

“Para rin mabawasan ‘yung ngitngit n’yo sa amin,” hirit pa ng talent manager.

Related Chika:

Talak ni Ogie Diaz sa bashers: ‘Anong akala n’yo sa mga idol n’yo, perfect?! Hindi nagkakamali, hindi nalilihis ng landas?!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin awang-awa kay Ogie Diaz matapos kuyugin ng mga KathNiel fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending