Liza Soberano pinaghawak ng payong ng drag queen

Liza Soberano pinaghawak ng payong ng drag queen, ninega ng netizens

Therese Arceo |November 28,2023
facebook
share this

Liza Soberano pinaghawak ng payong ng drag queen, ninega ng netizens

Therese Arceo - November 28, 2023 - 10:57 AM

 Liza Soberano pinaghawak ng payong ng drag queen, ninega ng netizens

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang isang video clip kung saan makikita ang aktres na si Liza Soberano na pinaghawak ng payong ng isang drag queen.

Ang naturang video ay in-upload ng Kapamilya showbiz news reporter na si MJ Felipe sa kanyang X (dating Twitter) account nitong Linggo, November 26.

“SPOTTED: Liza Soberano having a nightout with friends and dancing with drag queens at Obar last night,” saad ni MJ.

Makikitang masaya at game na game ang dalaga sa pakikipagkulitan at pakikipag-showdown sa mga drag queens.

Game na game pa nga si Liza nang ipahawak sa kanya ng isang drag queen ang payong habang isinasayaw nito ang kantang “Kiss Me, Kiss Me” mula sa OST ng pelikula ni Sarah Geronimo na “Miss Granny”.

Ngunit sa kabila ng masayang video lang sana ng pag-e-enjoy ng dalaga sa kanyang pagbisita sa isang bar ay nakulayan pa ito ng negang comments mula sa madlang pipol.

“balik Pilipinas din ang Ending ni Liza,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hollywood career ang target mo tapos paghahawakin lang ng payong hahaha.”

Baka Bet Mo: Liza Soberano nagpakita ng suporta sa Palestine, hinangaan ng netizens

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaganda ng career mo sa Pilipinas, ngayon ano na?” sey naman ng isa.

Sa kabila naman ng mga negang komento ay marami pa rin ang pumuri at nagtanggol kay Liza na nais lang namang mag-enjoy.

“Ay hala, pinaghawak lang ng payong big issue agad? Ginagawa n’yo namang abnormal ang mga artista, pati kilos at ginagawa nila kinucontrol ng mga makikipot na isip,” sabi ng isang netizen.

Chika pa ng isa, “wow! liza soberano enjoying her life as she should! this is what her supporters and her loved ones wanted to see. the more haters bringing her down, the more she’s becoming happier and wapakels! GO, GIRL!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anu ba kasi problema? She’s enjoying and happy that’s the most important,” hirit naman ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Parang all over the place na ‘tong si Liza – ang dami ganap- may Korea, may modelling may kung ano ano – maging visible lang. halatang she’s having fun naman kung Ano man ginagawa nya – sabagay bata pa sya – try nya lahat pero dapat meron ding career path na sundin.”

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon ang aktres hinggil sa pagkaka-trending ng kanyang video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending