Liza Soberano nilinaw kung sino ang kasamang afam habang nakasakay sa motorsi

Liza Soberano nilinaw kung sino ang kasamang afam habang nakasakay sa motorsiklo

Therese Arceo |November 18,2023
facebook
share this

Liza Soberano nilinaw kung sino ang kasamang afam habang nakasakay sa motorsiklo

Therese Arceo - November 18, 2023 - 10:53 PM

Liza Soberano nilinaw kung sino ang kasamang afam habang nakasakay sa motorsiklo

Liza Soberano

MABILIS na nilinaw ni Liza Soberano kung sino ang kasama niyang nakasakay sa motorsiklo na foreign guy.

Nagbahagi kasi ang aktres ng mga larawan na kuha nang magbakasyon siya sa Alban, Italy kung saan nakasama niya sina Nadine Lustre, Cristophe Bariou, Sofia Andres, Daniel Miranda, Tim Yap, at iba pa nilang mga kaibigan.

At isa nga sa series of photos na ibinandera ni Liza sa kanyang account ay ang picture niya kung saan naka-back ride siya sa motorsiklo na minamaneho ng isang afam.

“Who’s that guy??!!” tanong na isang netizen.

Sagot ni Liza, “Before people jump into conclusions. He’s from the rental company.”

Aniya, hindi siya makakapag-drive dala ng mayroon siyang PTSD o post-traumatic stress disorder.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinalagan ang ama ni Liza Soberano: Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I couldn’t drive myself cause I had no license. But also ptsd from my accident last year,” dagdag pa ni Liza.

Matatandaang nagdaan si Liza sa isang motorcycle accident sa Palawan noong 2022 kung saan nagtamo siya ng mga pasa at galos sa binti at tuhod.

Hindi naman mapigil ng mga netizens ang mag-imbestiga at mag-marites dahil sa hindi mamatay-matay na isyung hiwalay na sila diumano ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Hindi rin kasi kasama ni Liza sa Italy si Enrique kahit na ang iba nilang mga kasama ay may mga partners.

Matatandaang last year pa nagsimula ang isyung hiwalay na sila ni Enrique dahil madalang na silang makita together at hindi na rin nagpo-post ang dalawa ng updates sa social media.

Base nanan sa naging interview ni Enrique nang pumirma ito ng kontrata sa ABS-CBN, sila pa rin ni Liza.

“Were good,” pagbabahagi ng Kapamilya actor.

Samantala, inamin naman ni Liza na hindi na sila masyadong nagkakasama dahil nga madalas siyang nasa ibang bansa upang i-pursue ang iba pang opportunities niya abroad.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Liza Soberano hindi na mina-manage ni James Reid?

Hollywood film ni Liza Soberano na ‘Lisa Frankenstein’ ipalalabas na sa February, 2024

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending