Paul Salas type papakin ng mga beki, papatol sa presyong P10-M?

Paul Salas type papakin ng mga beki, papatol sa presyong P10-M?

Ervin Santiago |November 26,2023
facebook
share this

Paul Salas type papakin ng mga beki, papatol sa presyong P10-M?

Ervin Santiago - November 26, 2023 - 08:40 AM

Paul Salas type papakin ng mga beki, papatol sa presyong P10-M?

Paul Salas

SIGURADONG maraming beki at matrona ang papatol sa “presyo” ng Kapuso hunk na si Paul Salas para sa isang gabing kaligayahan.

Kahit na joke-joke-joke lang ang ibinigay na halaga ni Paul para matikman siya ay sure na sure kami na may mga papatol sa kanyang hamon lalo na yung mga super rich na matagal nang nagpapantasya sa kanya.

Kumalat kasi ang naging pahayag ni Paul na tatanggapin lang niya ang indecent proposal kung babayaran siya ng P10 million!

“Hindi naman! Ginagawang joke ko na lang yun. Presyong ayaw, so, huwag na nating i-entertain,” ang chika ni Paul nang makachikahan ng ilang members ng press sa premiere night ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” last Friday, November 24, sa SM Megamall Cinema 8.

Anong magiging reaksyon niya kung may kumagat sa P10 million? “May willing and able ba? Ha-hahahaha! Non-nego na yun. Ha-hahahaha!

Baka Bet Mo: Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

“My way of saying ‘No’ yung P10M. Pero kung meron, P15M, puwede pa!” ang tawa nang tawang sey ni Paul.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


“Pinapabayaan ko lang yun, joke na lang yun. Medyo siyempre, kahit paano, natutuwa. Baka napopogian o naha-hot-an, di ba?

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes 4 years old pa lang crush na crush na si Paul Salas: ‘Pero ngayon hindi na’

“So kahit paano, yung mga papogi ko sa post e napapansin nila. Yun naman ang importante sa akin. Malay mo, makapagbigay-saya ako sa kapogian o ka-hotness ko? Ha! Ha-hahaha!”

May nagsabi naman na marami rin ang gusto siyang papakin dahil sa mga underwear photos niya sa social media, “Papakin talaga?! Ha-hahaha! Hindi, sabi ko nga, yung pagpo-post ko na yun e about sa lifestyle ko, sa pagdyi-gym, so ayun.

“Baka nagiging fan lang sila, sinu-support nila ako,” sabi pa ng boyfriend ng Kapuso star na si Mikee Quintos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kasama si Paul sa “Mukbang” episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na showing sa mga sinehan sa November 29, mula sa Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending