Blind item: Male celebrity missing in action dahil may malalang STD? | Bandera

Blind item: Male celebrity missing in action dahil may malalang STD?

|August 04,2014
facebook
share this

Blind item: Male celebrity missing in action dahil may malalang STD?

- August 04, 2014 - 06:35 PM

 

TRUE nga kaya ang naichika sa atin ng isang source na nagkaroon daw ng STD o sexually transmitted disease ang isang kilalang male celebrity kaya raw bigla itong nawala sa eksena?

Ayon sa kumakalat na balita, nagpagamot daw sa ibang bansa ang male star na ito at kasalukuyang nagpapagaling pa rin doon. Sey ng ating source, nakuha raw niya ito sa pakikipag-sex sa isang girl na naka-one night stand niya na nakilala niya noon saisang party.

Pero ayon naman sa isa pang nakachika namin, hindi raw sa babae nakuha ni male star ang nasabing STD kundi sa isang mayamang bading na balitang nakasama nito sa isang gabing kaligayahan kapalit ng malaking halaga. Ang sabi, kahit daw mayaman na si male celeb ay tuloy pa rin ang pagpatol nito sa mayayamang beki if the price is right.

“Tahimik siyang umalis noon ng Pinas, di ba? Yun na yun. Hindi totoong magpapahinga at magbabakasyon siya dahil sa sobrang stress sa work. E, hindi naman siya naging busy nitong mga nakaraang taon. Ang usap-usapan, nagkasakit nga siya. Hindi ko lang sure kung dito niya nakuha yun o sa ibang bansa, kasi nga mahilig siyang mag-out of the country lagi, di ba?” sumbong ng aming kausap.

OA naman ang isang chika na hindi lang daw basta STD ang naging sakit ni male star, may nagpapakalat naman ng tsismis na may AIDS daw ito kaya never na raw itong babalik ng bansa. Grabe, di ba?

Matagal-tagal na rin tayong walang balita kay male celebrity, pero hindi pa rin kami kumbinsido na nagkaroon siya ng STD, at lalong-lalo na ang tsismis na meron siyang AIDS. Sana nga ay hindi true ang lahat ng ito. Kaya ang wish namin, sana’y magbalik na siya sa Pilipinas at pabulaanan ang malilisyosong balita tungkol sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending