Ninong Ry umaming nabaon din sa utang, pinangarap maging scientist: 'Wala, e! Bobo pa rin!' | Bandera

Ninong Ry umaming nabaon din sa utang, pinangarap maging scientist: ‘Wala, e! Bobo pa rin!’

Ervin Santiago - November 20, 2023 - 06:30 AM

Ninong Ry umaming nabaon din sa utang, pinangarap maging scientist: 'Wala, e! Bobo pa rin!'

Ninong Ry

ISA sa mga bidang artistang pinagkaguluhan ng press people sa grand mediacon ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” ay ang sikat na content creator na si Ninong Ry.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa aktingan ang YouTube vlogger na nakilala nang bonggang-bongga sa kanyang mga viral cooking video.

In fairness, nag-enjoy naman daw siya habang nagsu-shooting para sa episode nilang “Mukbang” sa naturang horror trilogy mula sa Regal Entertainment kasama sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paul Salas, Phi Palmos, Ian Gimena, AC Bonifacio, Elle Villanueva, Esnyr Ranollo at Francis Mata.

Natanong si Ninong Ry kung pinangarap din ba niyang mag-artista, “Haaaaah! Ha-hahaha! Kasi, ito ha, tanungin n’yo sa lahat ng bata, sa lahat ng nandito, nangarap mag-artista mula bata pa sila… lahat yun, guwapo at maganda.

“Alam nila na puwede silang maging artista. Mula bata ako, alam kong hindi ako ganu’n. Kaya hindi ko pinangarap yun.

“Kapag binasa mo yung yearbook ko, gusto kong maging scientist, e. Yun ang gusto ko, e. Wala, e. Bobo pa rin! Ha-hahaha!” ang chika ni Ninong Ry.

Baka Bet Mo: Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin

“Eto, nauwi tayo sa pagluluto, na I found very, very quickly na gusto ko naman pala talaga siya. Sa sobrang sure ako na eto ang gusto kong gawin, yung pagluluto… isa lang course na inaplayan ko nu’ng college.

“Hindi man tayo naging scientist, at least ako, alam ko na gusto ko yung ginagawa ko. And gusto rin palang mag-artista. Masaya pala!” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May advocacy ba siyang ipinaglalaban bilang vlogger? May vlog kasi siya na nag-viral kung saan nagpakain siya ng mga preso.

“Advocacy? Wala akong advocacy. Wala po akong ganu’n, e. Yung sa preso, sa kulungan, maganda po ang kinalabasan ng bagay na yun.

“Although hindi ko talaga siya advoca… kasi, masyadong mabigat yung salitang advocacy! Pucha, hindi ko alam kung…

“Hindi ko alam kung kaya ko bang pangatawanan yung ganu’n! Baka mamaya, ma-call out na ako pag advocacy, tapos hindi ko naman napangatawanan, di ba?” mariing sabi ni Ninong Ry.

Ramdam na ba niya ang kanyang kasikatan? “Hanggang ngayon naman, parang walang nagbago sa…alam niyo, hindi ko yun masyadong nararamdaman.

“Ang pinakanaramdaman ko talaga is kung paano mas gumanda yung buhay ko para sa akin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Kasi yun yung ramdam mo, e. Kasi quantifiable yun, e. Yung pagiging sikat, hindi naman quantifiable yun.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

“Kasi bago mag-Ninong Ry, baon na baon ako sa utang. Baon ba baon talaga ako sa utang. So nabura ko lahat ng utang na yun. Ngayon, nakakapagsimula na ako ng pamilya,” pagbabahagi pa ng vlogger.

At sa tanong kung nai-insecure na siya sa kanyang itsura? “Yung insecure, hindi ako actually insecure in the sense na… ‘Hala! Ampangit ko!’

“Pucha, katabi ko nga si Paul Salas, e, saka si RK Bagatsing, ang guguwapo nu’ng mga yun, di ba? Pero ano lang, it’s more of acceptance. Acceptance. Parang I don’t hate myself in the mirror na. Alam mo yun.

“Mas natanggap ko na. Na okay, kaya ka mataba, kasi wala kang ginagawa! Ngayon, kung ayaw mo nang maging mataba, may gawin ka. Pero hangga’t wala kang ginagawa, kailangang tanggapin mo na mataba ka. Yun lang naman,” ang punto ni Ninong Ry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” sa November 29 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending