Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin | Bandera

Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin

Therese Arceo - August 05, 2022 - 06:09 PM

Ninong Ry sa mga kapwa chubby: Pilitin nating mahalin ang sarili natin

NAGING bukas ang food vlogger at social media personality na si Ninong Ry o Ryan Reyes sa totoong buhayang kanyang mga pinagdaanan sa buhay bilang parte ng plus-size community.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang mga struggles para magkaroon ng self-confidence sa kabila pagiging body-shaming ng mga tao sa paligid.

“Buong buhay ko, nag struggle ako sa mga bagay na isusuot ko. Ang hirap humanap e. Bilang isang lalaking mataba, wala gaanong choices talaga pag sa mall ka namimili kaya sa mga nagtatanong bakit iisa palagi ang soot ko, eto ang dahilan,” pagsisimula ni Ninong Ry.

Aniya, masakit para sa kanya kapag may nakikita siya ng mga magagandang damit subait hindi ito kasya sa kanya.

“Ang lakas sumira ng confidence nun. Kaya pag nakahanap ako ng damit na ok ang fit sakin at komportable ako, bibili na ako ng ilan para yun na lang ang isusuot ko. Di na ko magpapalit,” pagpapatuloy pa ni Ninong Ry.

Bukod pa sa paghahanap ng damit na kakasya sa kanya ay isa pang struggle ang mga taong walang ibang ginawa kundi manglait dahil sa kanyang pangangatawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan (@ninongry)

“Dagdag mo pa ang walang katapusan na pangbobody shame ng mundo sayo ng mundo. Minsan nakakahiya na lang lumabas kasi alam mong pinagtitinginan ka ng tao,” sey pa ni Ninong Ry.

Kaya nga naiintindihan niya ang iba pa niyang tropa na plus size lalo na sa tuwing nagpapatawa na lamang ang mga ito dahil sa kanilang pangangatawan.

“Puro patawa na lang tayo tungkol sa katabaan natin kasi di makuhang maging sensitive ng mga taong nakapaligid satin e. Sakyan na lang. At least napatawa natin sila,” chika pa ni Ninong Ry.

Lahad niya, hindi rin niya sigurado kung saan maaaring makakuha ng confidence dahil kahit siya ay ito pa rin ang hanap paminsan-minsan ngunit ang sinisigurado niya ay nakaka-relate siya sa mga kapwa plus-size.

“Sabay sabay tayong mangarap na sana sa lifetime natin, matutunan ng tao na hindi tingnan ang mga tulad natin na may halong pandidiri o katatawanan. For now, piliin na lang nating mahalin ang sarili natin,” giit ni Ninong Ry.

At ngayon ngang may malaking platform na siya ay ginagamit niya ito upang maging boses ng iba pang mga tao na kaparehas niya ng nararamdaman ngunit walang lakas ng loob na magsalita.

“Kung feel mo gwapo o maganda ka today, ipagsigawan natin! Minsan lang naman diba? Saka ano bang pake nila. Hindi kasi tayo yung mga taong kailangang lumait ng iba para magka confidence eh. Baka sila ganun. Hayaan na natin. Siguro kasi, ang tunay na gwapo e yung hindi kailangang mang baba ng tao para umangat ang sarili nilang estado. Stay chubby, mga inaanak!” dagdag pa ni Ninong Ry

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Chika:
Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Andrea: Maraming tao na hindi ka maiintindihan, kahit good intentions ’yan puwede pa rin nilang maliin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending