Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama Bandera

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Therese Arceo |November 10,2021
share this

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Therese Arceo November 10, 2021 - 03:16 PM

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

IBINUNYAG ni Ryan Agoncillo ang naging papel niya sa buhay ni Yohan noon.

Sa kanyang noontime show na “Eat Bulaga”, ikinuwento nito ang kanyang naging papel sa buhay ng panganay nila ni Judy Ann na si Yohan.

Taong 2005 nang magdesisyon si Juday na i-adopt si Yohan. Apat na taon muna ang nakalipas bago tuluyang naaprubahan si Judy Ann bilang legal parent.

Kuwento ni Ryan, hindi pa raw sila mag-dyowa noon ng asawa na niya ngayon na si Juday. Aniya, magkaibigan pa lang sila ni Juday ngunit pinopormahan na niya ito.

“Ako ang experience ko noon, dahil papunta pa lang sa mag-boyfriend girlfriend. Medyo nag-iingat ako kasi ayaw kong mapa-ibig dun sa bata. Mahulog yung loob naman sa isa’t isa tapos hindi pa namin sure,” lahad ni Ryan.

“So ako nung una, nung binyag ni Yohan kinuha ako ni Judy Ann na Ninong. So ninong ako ni Yohan. In fact, hindi ako nag-attend nung binyag kasi hindi ako comfortable. Kasi by the time na malaki na si Yohan nun, ilang months na medyo ano na nagkaka-inlaban na kami (ni Judy Ann),” dagdag pa ni Ryan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Aniya, hindi raw si um-attend ng binyag noon ni Yohan dahil hindi siya kumportable. May pangamba kasi siya na ayaw niyang masyadong mapamahal at mapalapit sa bata dahil hindi pa naman siya sigurado kung saan papunta ang relasyon nila ni Juday noon. pagpapatuloy ng TV host.

“Na kung pupunta akong Ninong, medyo nag-alangan lang ako na teka ano bang papel ko dito?” dagdag pa niya.

Pero agad namang bumawi si Ryan nang mag-celebrate ng ika-1st birthday si Yohan dahil na rin nararamdaman na niya na nagiging seryoso na ang relasyon nila ni Juday.

“Buo na ‘yung loob ko kasi nag-spend na siya ng time sa bahay namin. Out of town, kasama na namin siya.”

Dagdag pa niya, malaki ang naging role ng mga magulang nila ni Juday sa kaniyang naging desisyon.

Napakabilis nga talaga ng panahon dahil nitong Nobyembre 8 lang ay nag-celebrate si Yohan ng kanyang 17th birthday.

“Grateful kami for you and we always say na this family started because of you. Ikaw ang dahilan kung bakit buong buo ang party of five natin. Happy birthday, I’m proud of you,” mensahe ni Ryan kay Yohan.

Related Chika:
Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending