Alex Gonzaga sa mga wala pang dyowa: The right one will bring out the better version of you

Alex Gonzaga sa mga wala pang dyowa: The right one will bring out the better version of you

Therese Arceo |November 16,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga sa mga wala pang dyowa: The right one will bring out the better version of you

Therese Arceo - November 16, 2023 - 10:44 PM

Alex Gonzaga sa mga wala pang dyowa: The right one will bring out the better version of you

Mikee Morada at Alex Gonzaga

NAGBIGAY ng payo ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga taong patuloy pa ring hinahanap ang kanilang “the one”.

Nitong Linggo, November 12, ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Toni sa kanyang vlog ang naging 3rd wedding celebration nila ng asawang si Mikee Morada.

Ayon sa kwento ni Alex, ang lugar na napili nila ay matagal na nilang alam dahil doon sila nag-shooting sa kanyang 2022 film na “The Entitled”.

Habang kumakain sila ng ni Mikee kasama ang tiyuhin ay napag-usapan nila ang kanilang relasyon at ang mga future plans nila together.

Naging bukas si Alex sa kanyang nararamdaman sa tatlong taong pagiging msg-asawa nila.

“Taon taon na tumatagal kami ni Mikee, parang mas nagiging sure kami na tama ‘yung naging desisyon namin na nagpakasal kami.

“Ako naa-appreciate ko na si Mikee, napapasaya niya talaga ako,” saad ni Alex.

Aniya, sa mga panahong nalulungkot raw siya ay nandyan si Mikee para pasayahin siya.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga naniniwalang darating ang tamang panahon para magkaanak: By God’s grace and infinite goodness, we will have our rainbow baby

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Akala n’yo ba sa bahay ako ‘yung komedyante? Hindi. Ako ‘yung makulit? A big no no. Alam ni Uncle ‘yan,” sabi ni Alex.

Nabanggit rin ng nakababatang Gonzaga na sa tuwing may away o hindi pagkakaunawaan sila ni Mikee ay madalas ang huli ang umiintindi.

“Mahirap po talaga ang pinagdaraanan ng babae, doon ko lang na-realize (after ng miscarriage). ‘Yung proseso emotional kaya minsan kailangan mo lang unawain at intindihin pa lalo,” sey ng hubby ni Alex.

Nagbigay naman siya ng payo sa mga manonood na nananatiling single at hinahanap pa rin ang mga taong laan sa kanila.

Pagbabahagi ni Alex, “Sa lahat ng wala pang dyowa, one day lahat ng mga hinagpis n’yo, lahat ng kalungkutan n’yo mapapawi ‘yan kapag dumating na ‘yung right person para sa inyo.

“Malalaman n’yo yan if that right person is the the right one for you if you become the better version of yourself. Like with me and Mikee, I always want to be the best with him and siya rin naman.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga senti mode sa throwback pictures nila ni Toni: ‘Kahit paano nakapasok sa pag-aartista!!!’

Alex Gonzaga hindi mapapagod maghintay na pagkalooban ng sariling anak: One day…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending