Marian sa pag-aayos nila ni Heart: 'Kung anuman ‘yung pinag-usapan namin, ibalato n'yo na lang sa amin'

Marian sa pag-aayos nila ni Heart: ‘Kung anuman ‘yung pinag-usapan namin, ibalato n’yo na lang sa amin’

Ervin Santiago |November 16,2023
facebook
share this

Marian sa pag-aayos nila ni Heart: ‘Kung anuman ‘yung pinag-usapan namin, ibalato n’yo na lang sa amin’

Ervin Santiago - November 16, 2023 - 05:27 PM

Marian sa pag-aayos nila ni Heart: 'Kung anuman ‘yung pinag-usapan namin, ibalato n'yo na lang sa amin'

Heart Evangelista at Marian Rivera

PINAGPAPLANUHAN na kaya ng GMA 7 ang posibleng pagsasama nina Heart Evangelista at Marian Rivera ang sa isang bonggang project?

Yan kasi ang inaabangan ngayon ng mga supporters ng dalawang reyna ng Kapuso network matapos nilang ibandera na wala nang problema o isyu o na namamagitan sa kanila.

Ayon kay Marian, muli silang nagkaroon ng konek ni Heart sa tulong na rin ng ilang kamag-anak at mga kaibigan.

Sey ng wifey ni Dingdong Dantes, super happy ang estado ng puso niya ngayon pero humiling siya na huwag nang pag-usapan ang detalye ng pagkakaayos nila ni Heart.

“Nandu’n ako sa peaceful, na finally in God’s perfect time. Siguro kung ano man ‘yung pinag-uusapan namin behind, siguro ibalato niyo na lang sa amin kasi it’s too personal for us,” pakiusap ng Kapuso Primetime Queen sa panayam ng “24 Oras”.

Pagbabahagi pa ni Marian, “Sa buhay natin ngayon, mas masarap na peaceful ka at masaya ka araw-araw na wala kang iniiwasan.

“Sabi ko nga mabait talaga ang Diyos at ibibigay niya sa ‘yo ‘yung makakabuti sa ‘yo,” lahad pa ng Kapuso Queen.

Baka Bet Mo: Heart kinumpirmang OK na OK sila ni Marian: ‘Ayoko na ng kaaway…real queens support each other!’

Sa tanong kung game ba siya na makipag-collab kay Heart, natatawang chika niya, “Parang hindi na yata siya natutulog, ako rin hindi na natutulog,” natatawang tugon ni Marian.

Nauna rito, kinumpirma nga ni Heart na okay na okay na sila ni Marian, “She has a very strong character but I really appreciate her kindness and just her heart.

“Pero in time, for sure, magkikita kami niyan in time so maraming pagkakataon,” dagdag niya.

Paliwanag ng global fashion icon, hindi raw siya nagpapa-interview tungkol sa umano’y mga isyu nila ni Marian dahil, “I don’t want it to be anything that’s for publicity. Something like that should be from your heart.”

“Marian and I, we’ve always liked each other. And it’s a true testament that you know, queens should always be supporting queens.

“Okay kaming dalawa as individuals, and so I guess it’s just a matter of time,” aniya pa.

“And honestly, I really appreciate her. She has a very strong character, but I really appreciate her kindness and just her heart,” sabi pa ni Heart patungkol kay Marian.

Aniya pa, “Ayoko na ng kaaway, honestly. Real queens support each other. It’s a testament that it’s really the people around us that makes things bad.”

“Sometimes that person’s not our real enemy. It’s the people around that makes it worse. So, I’m happy,” dagdag pa ng aktres.

Ang sagot naman niya sa tanong kung posible bang magsama sila sa isang project, “I think for me, what’s important is in the real world, we’re okay. And that for me, is a true queen.”

Related Chika:

Marian Rivera nangapa sa muling pagsabak sa aktingan: ‘Ang hirap mag-adjust, hindi ko na yata alam yung anggulo ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian Rivera umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’, kumasa sa bagong dance challenge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending