'Blusang Itim 2' star Princess Revilla walang balak bumalik sa showbiz, hindi rin sasabak sa politika: 'Mahiyain po kasi talaga ako' | Bandera

‘Blusang Itim 2’ star Princess Revilla walang balak bumalik sa showbiz, hindi rin sasabak sa politika: ‘Mahiyain po kasi talaga ako’

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 07:34 AM

'Blusang Itim 2' star Princess Revilla walang balak bumalik sa showbiz, hindi rin sasabak sa politika: 'Mahiyain po kasi talaga ako'

Princess Revilla

WALANG balak sumabak sa mundo ng politika ang dating aktres at anak ni yumaong movie icon Ramon Revilla, Sr. na si Princess Revilla.

Sobrang mahiyain daw kasi siya sa totoong buhay kaya feeling niya, hindi siya pwede sa politics at maging sa showbiz industry.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Princess nitong nagdaang Biyernes, November 10, para ibahagi ang good news tungkol sa itinatag niyang foundation.

Nagbalik-tanaw ang kapatid ni Sen. Bong Revilla sa naging career niya sa showbiz noon na tumagal lamang ng mahigit isang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Princess Revilla (@princessrevilla)


Nakagawa ng dalawang pelikula si Princess, kabilang na nga rito ang launching movie niyang “Jessa: Blusang Itim 2” (1989) kung saan nakatambal niya si Gabby Concepcion.

Naging co-host din siya noon sa “GMA Supershow” ni German “Kuya Germs” Moreno.

Baka Bet Mo: Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

Kasunod nito, huminto na siya sa pag-aartista at nag-focus na lamang sa kanyang pamilya.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Princess ang pangatlong anak ng namayapang Sen. Ramon Revilla, Sr. kay Azucena Mortel-Bautista.

Nabanggit ni Princess na wala nga siyang planong bumalik sa pag-aartista at lalong wala rin siyang balak na tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Pag-amin ni Princess, “Kahit nag-artista ako, hindi ako masyadong na-expose. Mahiyain kasi ako. Pag may mga nagpupunta noon sa bahay namin, usually nasa kuwarto lang ako.

“Kapag may party sa amin noong araw, noong dalaga pa ako, du’n lang ako sa may loob ng bahay. Sisilip lang ako sa bintana. Tumatakbo ako pag may ibang mga tao. Nahihiya ako.

“Kaya hindi ako puwede sa showbiz. Hindi ako puwede sa politics,” ang rebelasyon pa ng sister ni Sen. Bong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Princess Revilla (@princessrevilla)


Pero isa raw sa mga ipinamana sa kanya ng mga magulang ay ang pagtulong sa mga nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit.

Baka Bet Mo: Ramon Tulfo ‘nangmaliit’ ng delivery boy, ‘bugbog sarado’ sa mga netizens

Taong 1998 nang simulan ni Princess ang Azucena Mortel Bautista Memorial Foundation bilang pa-tribute sa kanyang nanay para ipagpatuloy ang legacy ng mga magulang.

At noong 2021, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay itinatag naman niya ang Princess Revilla Foundation, Inc., katuwang ang mga kapatid para mas lumawak pa ang pagtulong nila sa mahihirap nating mga kababayan.

Ilan sa mga ginagawa ng kanyang foundation ay ang medical and dental mission, feeding program (Almusal ng Batang Matalino, Princess Rolling Kusina), livelihood program, disaster relief mission, education assistance, protection of the environment, at animal care and welfare.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Describing herself in her own words, “Simple lang si Ate Princess, I find happiness in the pursuit of livelihood, cherishing the dignity of work. I derive immense joy from sharing the blessings bestowed by our Creator and lending a helping hand to those in need.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending