Ramon Revilla, Sr. isinugod sa ospital: Thank God he is now conscious and responsive
ISINUGOD sa ospital kagabi ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla, Sr. matapos mahirapang huminga.
Unang dinala ang veteran actor-politician sa isang ospital sa Bacoor City, Cavite at pagkatapos mabigyan ng first aid treatment ay inilipat agad sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig.
Sa isang official statement, sinabi ng pamilya Revilla na “responsive” at “conscious” na ngayon ang dating senador.
Ayon sa anak ni Mang Ramon na si Sen. Bong Revilla, “Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng kanilang pag-aalala at panalangin para sa aking ama, dating Senador Ramon Revilla, Sr.
“At around 6 PM tonight (kagabi), I rushed my father to the hospital.
“He was hard of breathing and was somewhat unresponsive. From St. Dominic Medical Center where he was given First Aid and Emergency Medical Services, he was transferred to St. Luke’s Medical Center – Global City where he is now undergoing treatment.
“Kasalukuyan po siyang nakakabit sa ventilator, but thank God, he is now conscious and responsive.
“Patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para muli niyang malampasan itong kanyang karamdaman.
“We will ask his doctors to provide medical bulletins as they become available.”
Nauna rito, humiling ng dasal ang pamilya Revilla na ipagdasal na bumuti agad ang kundisyon ng veteran actor.
“My Daddy is on the way to the hospital right now, asking for your prayers,” mensahe ni Sen. Bong.
Nagsilbing senador si Mang Ramon mula 1992 hanggang 2004.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.