Ramon Tulfo 'nangmaliit' ng delivery boy, 'bugbog sarado' sa mga netizens | Bandera

Ramon Tulfo ‘nangmaliit’ ng delivery boy, ‘bugbog sarado’ sa mga netizens

Therese Arceo - October 15, 2022 - 12:09 PM

Ramon Tulfo 'nangmaliit' ng delivery boy, 'bugbog sarado' sa mga netizens
KINUYOG ng mga netizens si Ramon Tulfo matapos nitong laitin at maliitin ang isang delivery boy na nagkomento sa kanyang social media post.

Ito ay may kaugnayan sa pagkakaaresto ng anak ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Remulla III dahil sa umano’y possession of marijuana.

Sey kasi ni Tulfo, dapat raw ay huwag sisihin ang justice secretary dahil hindi naman kasalanan ng kalihim ang ginawa ng anak.

Ang kanyang opinyon nga ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook page nitong Biyernes, Oktubre 14.

“Huwag nating sisihin si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla sa kasalanan ng kanyang anak na si Juanito. Si Juanito ay 36 at di na bata. Kung nagkamali man siya ay di kasalanan ng kanyang ama,” saad ni Tulfo.

Aniya, sino raw ba ang ama na may matinong pag-iisip na mag-uudyok sa anak na lumabag sa batas lalo pa’t ito ang kasalukuyang justice secretary.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Pagpapatuloy pa ni Tulfo, “Kahit na anong disiplina o pangaral ang gawin ng isang magulang sa kanyang anak ay may hangganan kapag ang anak ay malaki at matanda na.

“We parents can only do so much to guide our children on the right path. Di na natin kasalanan bilang magulang kung ang tinatahak ng ating anak ay baku-bakong landas.”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Tulfo kabilang na rin ang opinyon ng isang diumano’y “delivery boy”.

“Di po siya ordinaryong tao, siya po ay Sec ng Justice, kaya dapat siya mag resign. Nakakahiya po iyan, sarili nyang anak di nya kayang malinis,” comment nito.

Sagot naman ni Tulfo, “Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito.”

“Salamat po sir, salamat po sa ganun lang kaliit sa tingin ninyo naming mga anak ng mahirap ng patuloy kumakayod makaraos sa kahirapang aming tinatamasa. Lumalabas ng patas, hindi gaya ng anak ng Justice Secretary,” tugon naman ng netizen.

Tila naimbyerna naman ang madlang pipol nang mabasa ang pangmamaliit ni Tulfo sa naturang simpleng mamamayan at agad itong ipinagtanggol.

”Is there something wrong with being a delivery boy? He performs an honest job – do you?” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Foul ka RamonTulfo, valid yung argument sayo kaya daoat sagutin mo ng maayos. Akala ko ba usapang intelehente to, pero bakit Ikaw ang Wala sa ayus?”

“I can’t believe an influential person like you will resort to ad hominem arguments. Akala ko po ba intelihenteng usapan ito?” hirit naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Raffy sinabing hindi kailangang mag-sorry ni Bongbong sa kasalanang ginawa ng ama; Atom Araullo pumalag

Kaso ni RAMON TULFO laban kina CLAUDINE at RAYMART lumakas

Hugot ni Associate Justice Leonen: To be poor is not something to celebrate by the rich

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending