Bahagi ng G. Araneta Avenue 2 linggong isasara –MMDA
ABISO sa mga motorista!
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang hindi madadaanan ang isang lane sa kahabaan ng Gregorio Araneta Avenue sa Quezon City tuwing 10 p.m. hanggang 5:00 a.m.
Ang binabanggit na kalsada ay ‘yung sa pagitan ng Ma. Clara at P. Florentino northbound.
Ang pagsasara ng nasabing lugar ay nagsimula na noong Biyernes, November 3, at magtatagal sa loob ng dalawang linggo.
“One lane along G. Araneta Ave. between Ma. Clara and P. Florentino Sts. Northbound will be closed to vehicular traffic every 10pm to 5am for two weeks, starting tonight, 3 November 2023,” saad sa Facebook post ng MMDA.
Ayon sa ahensya, ito ay dahil sa gagawing konstruksyon sa pagtatayo ng Skyway Ramp.
Paliwanag nila, “The activity is to give way to the drilling of board piles for the construction of Skyway Ramp which is part of the Skyway Stage 3 Project.”
Baka Bet Mo: Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin ng P1,000
Sakaling bumigat ang daloy ng trapiko, sinabi ng MMDA na maaari nilang padaanin ang mga sasakyan sa Sto. Domingo Avenue kung saan papayagan nilang kumaliwa ang mga motorista sa Quezon Avenue westbound.
“Normal lanes or two lanes shall be provided for the motorists after every scheduled night-time works,” dagdag ng ahensya.
Read more:
Claire dela Fuente may mga ‘paramdam’ na sa anak bago mamaalam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.