Street vendors huhulihin na rin kapag nagtinda sa ilalim ng mga tulay, flyovers –MMDA
GAYA ng motorcycle riders, pinagbabawalan na rin ang mga street vendor na magtinda at sumilong sa ilalim ng mga tulay at flyovers.
Ito ang latest babala na sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong August 4.
“Wala po [silang permit to shelter under flyovers]. Actually, ’yung mga vendors, pinaghuhuli po natin ‘yan kasi bawal po talaga mag illegal vending in any public spaces,” sey ng MMDA Director for Traffic Enforcement na si Victor Nuñez sa Laging Handa briefing.
Dagdag pa niya, “Mayroon kaming department diyan na nagmo-monitor at nag-ooperate ng illegal vendors.”
Magugunita noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng MMDA na bawal nang sumilong ang motorcycle riders sa ilalim ng mga footbridge o flyover sa Metro Manila.
Ayon sa ahensya, ang mga lalabag sa bagong panukala ay pagmumultahin ng P500.
Pero ayon kay MMDA acting chairman na si Romando Artes, magsisimula ang bagong patakaran kapag nakapag-provide na sila ng mga alternatibong silungan para sa mga motorista.
Baka Bet Mo: Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA
“Obstruction ang unang una penalty diyan P500, so soon kung maayos po natin ang sistema particularly sa mga gasoline stations I think we’ll strictly enforce na po ang pag-i-issue ng ticket sa mga mag–violate,” sey ni Artes sa mga reporter noong July 12.
Sinabi rin ni Artes na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa mga may-ari ng gasoline stations dahil doon nila balak ilagay ang mga tents para sa mga rider.
Binigyang-diin din ng MMDA na delikado ang ginagawang pagtambay sa ilalim ng footbridge o flyover.
Bukod kasi sa nagiging sagabal ito sa daloy ng trapiko ay prone din daw ito sa mga aksidente sa ibang mga motorista.
Read more:
Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.