‘Five Breakups and a Romance’ humakot ng P50-M sa takilya; Alden, Julia super thankful
TODO ang pasasalamat ng love team na sina Julia Montes at Alden Richards sa kanilang latest milestone.
Ang pinagtatambalan kasi nilang pelikula na “Five Breakups and a Romance” ay umani na ng mahigit P50 million sa takilya matapos ang tatlong linggo ng pagkaka-release nito.
Ibinandera ‘yan mismo ng dalawa sa kanilang Instagram pages.
“Hindi po ito possible kung hindi dahil sa inyong suporta. Maraming maraming salamat po,” sey ni Alden sa kanyang post.
View this post on Instagram
“Mula sa puso namin, maraming salamat po sa inyong supporta,” wika naman ni Julia sa kanyang Ig account.
Dagdag pa niya, “Naibalik na ang pag-ibig (at luha) sa mga sinehan!”
View this post on Instagram
Sa comment section, bumuhos ang mga pagbati at “congratulatory” messages mula sa fans.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Congrats super deserved ng movie niyo ang box office hit [emojis].”
“Congrats Alden and Julia and of course to the team five breakups and a romance [red heart emojis].”
“Congrats!! You deserve everything [red heart emoji] sobra galing mo [flying kiss emoji].”
“Keep up the excellent work. You’re a valuable asset to the team. Many thanks for all your efforts.”
Ang “Five Breakups and a Romance” ay isinulat at mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor na siya ring nasa likod ng mga pelikulang “Sid & Aya,” “Meet Me in St. Gallen,” “On Vodka, Beers, and Regrets,” at “Ulan.”
Ang bagong pelikula ay tungkol sa complications ng pakikipagrelasyon in terms of breakups, arguments, misunderstandings at marami pang iba.
Ang karakter dito ni Alden ay bilang si “Lance,” habang si Julia naman ang gaganap sa karakter ni “Justine.”
Ang “Five Break-ups and a Romance” ay first collaboration ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, MYRIAD Corporation nag pagmamay-ari ni Alden, at distributed by Axinite Digicinema.
Related Chika:
Barbie Imperial hindi na ‘wasak’ ang puso sa breakup nila ni Diego, pwede na uling magdyowa
Sunshine Cruz ibinandera ang P50 swimsuit, sey ng netizens: ‘You look so expensive’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.