HLA nina Alden at Kathryn kikita ng P1-B; magdo-donate sa typhoon victims
HINDI imposibleng mabawi ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Again” ang titulong “Highest Grossing Filipino Film of All Time.”
Ang unang pagtatambal ng KathDen sa “Hello, Love, Goodbye” ang may hawak ng naturang title matapos kumita ang movie ng mahigit P880 million sa takilya noong 2019.
Pero naagaw nga ito ng pelikulang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tumabo sa box-office ng more than P889 million.
At ngayong patuloy na humahataw sa takilya ang “Hello, Love, Again,” posibleng maabot na nito ang P1 billion mark sa mga susunod na araw.
Baka Bet Mo: Dominic Roque knows ang hirap ni Kathryn sa ‘HLA’: Congrats Brooo!
Base sa huling ulat, nitong Sabado lamang ay kumita raw ang pelikula ng P131 million kaya as of November 18 ay humamig na ito ng P566 million.
View this post on Instagram
“We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin. Wala na kaming mahihiling pa,” Kathryn said.
“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” ang mensahe ni Alden sa lahat ng mga tumangkilik sa “HLA.”
Nagtungo sina Kathryn at Alden para um-attend ng Asian World Film Festival, kung saan ang “Hello, Love, Again” ang magsisilbing closing film.
“We are very honored and privileged po that Hello, Love, Again is part of the AWFF. Maraming salamat po for the recognition, and we are just really excited to bring Hello, Love, Again to the international scene,” ani Alden sa isang panayam.
Sey naman ni Kathryn, “We are very proud na gawang Pinoy ang ipapakita natin not just here but in LA. This is the first time na mangyayari yun, so it’s us representing GMA Pictures and Star Cinema. Nakaka-proud lang na kaya pala natin yun. Sana magustuhan nila.”
Nagkomento rin si Kath tungkol sa isa pang historical achievement ng pelikula nila ni Alden. Ayon sa entertainment site na Deadline, “the film earned $2.4 million during its debut weekend, securing the no. 8 spot in the US box office—a record for a Filipino movie.”
View this post on Instagram
“Every day pa-good news ng pa-good news. It’s incredible, surreal, and hard to put into words. Siguro, salamat! Grabe ang pasasalamat namin. We didn’t expect this level of support,” ani Kathryn.
“On the way here lang na-post nila yung milestone. All for Him lahat ng nangyayari. It’s just amazing to see how far the film has come,” dugtong ng aktres.
Samantala, dahil sa phenomenal success ng “HLA”, nagdesisyon ang lahat ng bumubuo sa movie na ang bahagi ng kinita nito ay ido-donate sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.
“Gusto naman natin all the time makatulong sa mga nangangailangan. This is our small way of helping out sa mga nangyaring tragedy in the past weeks,” sabi ni Alden.
“Grabe kasi yung blessings na natatanggap namin. Nakakatuwa kasi ABS-CBN and GMA Pictures decided to share and give back. This is what it’s all about,” saad naman ni Kathryn.
Mula sa direksyon ni Cathy-Garcia Sampana, palabas pa rin ang “Hello, Love, Again” sa 1,000 cinemas worldwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.