Dominic knows ang hirap ni Kathryn sa 'HLA': Congrats Brooo!

Dominic Roque knows ang hirap ni Kathryn sa ‘HLA’: Congrats Brooo!

Ervin Santiago - November 18, 2024 - 12:20 AM

Dominic Roque knows ang hirap ni Kathryn sa 'HLA': Congrats Brooo!

Kathryn Bernardo, Alden Richards at Dominic Roque (Photo from Instagram)

IBINANDERA ng aktor at negosyanteng si Dominic Roque ang kanyang suporta at pagiging proud sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng BFF niyang si Kathryn Bernardo.

Isa ang binata sa nagpakita at nagparamdam ng 100 percent support sa success ng pelikula ni Kathryn at ni Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” mula sa Star Cinema at GMA Pictures.

Ipinost ng ex-boyfriend ni Bea Alonzo sa kanyang social media page ang ilang litrato nila ni Kathryn kalakip ang pagbati sa kaibigan.

Kuha ang mga naturang pictures sa special screening na in-organize ng dermatologist na si Aivee Teo para sa kanyang mga kaibigang celebrities kasama na ang nanay ni Kathryn na si Min Bernardo.

Baka Bet Mo: Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

“Congratulations Brooo! (high five emoji). I’m proud of you,” ang caption ni Dominic sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, super deserving si Kathryn at ang lahat ng taong bumubuo sa “HLA” sa tagumpay ng kanilang pelikula. Knows daw niya kung paano pinagtrabahuan ng dalaga ang bago niyang proyekto.

“Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinaghandaan mo talaga, at kung anu anu pa!

“Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit. Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again,” ang mensahe pa ni Dominic.

Base sa inilabas na numero ng Star Cinema at GMA Pictures, kumita ang
“Hello, Love, Again” ng P245 million sa loob lamang ng tatlong araw. As of November 16, showing na ang pelikula sa 1000 sinehan.

Samantala, ang “Hello, Love, Again” naman ang magiging closing film sa ginaganap ngayong 10th Asian World Film Festival sa Culver Theater.

The weeklong festival will feature some 50 films from throughout Asia with many of them their respective country’s Oscar contender.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaasahang dadalo sa naturang event sina Kath at Alden para makasama ang audience sa isang espesyal na Q&A session pagkatapos ng screening.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending