Kakai saksi sa sobrang ka-sweetan nina Donny at Belle: 'Gusto ko silang itulak, chareng! Sana all!' | Bandera

Kakai saksi sa sobrang ka-sweetan nina Donny at Belle: ‘Gusto ko silang itulak, chareng! Sana all!’

Ervin Santiago |November 02,2023
facebook
share this

Kakai saksi sa sobrang ka-sweetan nina Donny at Belle: ‘Gusto ko silang itulak, chareng! Sana all!’

Ervin Santiago - November 02, 2023 - 08:03 AM

Kakai saksi sa sobrang ka-sweetan nina Donny at Belle: 'Gusto ko silang itulak, chareng! Sana all!'

Kakai Bautista, Belle Mariano at Donny Pangilinan

PURING-PURI ng singer-comedienne na si Kakai Bautista ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na kasama niya sa hit TV series na “Can’t Buy Me Love.”

Si Kakai ang gumaganap na Yaya Cass sa serye ng DonBelle na bentang-benta ngayon sa mga manonood dahil siya ang nagbibigay ng katatawanan sa kuwento.

“Syutulong mae (katulong) na naman ang lolah mo, di ba?! Syutulong mae! Favorite na syutulong mae, di ba?! Pero masaya naman, kasi ang ganda nu’ng ano, ay!

“Nagyabang na ako! Nagbuhat na ako!” ang tawa nang tawang chika ni Kakai nang makausap namin ng ating friend and colleague na si Gerry Olea sa presscon ng “When I Met You In Tokyo” last October 26.

Pagpapatuloy pa niya, “In fairness, maganda naman talaga. Unang-una, magaling yung mga bata, yung Belle Mariano saka yung Donny.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Kakai Bautista kay Rendon Labador: ‘Mukha talaga akong pera dahil ang daming umaasa sa ‘kin’

“Nagulat ako du’n sa Donny kasi, ang tangkad pala niya tapos ang guwapo niya sa personal, at mahusay umarte yung bata. Mahusay umarte at magalang. Mabait!” sey ng komedyana patungkol sa anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi yun ang aasahan mo sa mga bata ngayon. ‘Tingnan nga natin kung marunong bumati.’ Malaking factor kasi yun sa mga senior actors na medyo matagal-tagal na. Mabait yung mga bata,” dugtong ni Kakai.

Sundot na tanong namin kay Kakai kung sweet ba sina Donny at Belle kahit off-cam, “Sweet sila. Gusto ko silang itulak! Chareng! Tigilan n’yo iyan, tigilan n’yo iyan!’ Sana all!?

“Pero alam mo yun, happy naman ako, kasi ang kagandahan sa mga bata, sa oras ng trabaho, they’re on their toes. Kumbaga, focus sila sa work nila. And then after the scene, bibitaw. Alam mo yun. Maano sila, mahusay sila.

“And you know that kahit nagsisimula pa lang sila and they’re just starting to establish their love team and everything, their careers, sobrang tutok sila sa trabaho.

Baka Bet Mo: Kakai: Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang pa-screen grab!

“And mahusay. Kasi alam mo natutuwa ako kasi, in character, pagkatapos ng eksena, balik na naman. Lalo na yung Belle Mariano, makulit.

“Kasi si Belle Mariano, ilang beses ko nang nakatrabaho. Matagal ko na rin siyang nakatrabaho, saka kilala ko yung batang yun.

“Iba rin talaga kapag hinubog ng ABS-CBN na Belle Mariano na bata, na ang galing ng development ng kanyang career. And then, nabigyan na talaga ng chance kasi nga, may potential talaga yung bata,” papuri pa niya sa dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, talagang inayos ni Kakai ang kanyang schedule para mapasama sa “When I Met You In Tokyo” nina Vilma Santos at Christopher de Leon with Cassy Legaspi, Darren Espanto, Gabby Eigenmann, Lotlot de Leon, Tirso Cruz III, Lynn Cruz, Gina Alajar, John Gabriel, and Jacky Woo.

“So, cancel lahat. Inurong ko yung iba kong mga trip. Kasi, sabi sa akin (ng mga producer), ‘Huy, Ate Vi ito.’ ‘Eto na! Eto na! Oo! Cancel na lahat, agad-agad! Mag-book ka na ng ticket.’

“Inayos ko na lahat ng schedule. Kasi, nung sinabi pa lang na Boyet de Leon and Vilma Santos, parang sino ka para tumanggi? Di ba? Ano ka ba sa industriya para tanggihan mo yung Vilma Santos and Boyet de Leon?

“Siyempre, sinagot na ni Lord yung dasal mo. Tapos, ang sarap pa! Bakit ganu’n? Talagang ma-a-admire mo pa rin sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sila talaga yung titingalain mo hindi dahil sa husay nila, kundi kung paano sila sa mga tao, kung paano sila sa kanilang mga co-actors off cam and on cam. And yung collaboration sa pelikulang ito, tulung-tulong talaga kami,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending