Andrea may bagong hugot sa 'karma', para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae? | Bandera

Andrea may bagong hugot sa ‘karma’, para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae?

Ervin Santiago |October 31,2023
facebook
share this

Andrea may bagong hugot sa ‘karma’, para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae?

Ervin Santiago - October 31, 2023 - 12:25 PM

Andrea may bagong hugot sa 'karma', para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae?

MAY bago at makahulugang post na naman sa kanyang Instagram story ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes na may konek sa “karma.”

Ibinahagi ng dalaga sa kanyang mga social media followers ang screenshot ng Instagram post ng American rapper, singer at songwriter na si Shaquille Pinckney noon pang March.

Mababasa rito ang quote na, “I don’t wish bad on anyone, but you reap what you sow in life. You don’t treat people bad and expect to live a good life.”

Sabi ni Andrea, dahil feeling bored siya kanyang life nu’ng araw na yun ay in-edit niya ang quote para mas maging aesthetic o maganda ang dating nito sa kanya at sa mga makakabasa nito.

Sa gitna ng image na ipinost niya ay may nakalagay na “karma” with matching background pa ng hit song ni Taylor na ganoon din ang title.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Walang binanggit si Andrea kung para kanino o para saan ang tinutukoy niyang karma pero marami ang nagpapalagay na tila para ito sa celebrity couple na sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.

Matatandaang naungkat na naman ang kontrobersyal na hiwalayan nina Andrea at Ricci nang ibandera ng binata sa buong universe na magdyowa na sila ni Leren.

All-out ang support ng mga magulang ni Ricci sa relasyon ng kanilang anak sa dating beauty queen na may mga patutsada pa nga laban kay Andrea sa kani-kanilang social media post.

Nadamay pa nga ang bestfriend ni Andrea na si Bea Borres matapos itong mag-post ng cryptic post sa X (dating Twitter) na feeling ni Ricci ay para sa kanya.

Kaya sinagot ito ng basketball player ng, “Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity.

“Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline,” ang matapang at naghahamong pahayag ni Ricci.

Kasunod nito, kumunsulta na raw si Bea sa isang abogado para humingi ng advice kung ano ang pwede niyang gawin sa malisyosong post ni Ricci lalo na ang sinabi nito tungkol sa “kabit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Lovelife hugot ni Andrea: ‘Kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin…ganoon ko siya kamahal’

Andrea Brillantes biktima ng matinding pambu-bully ng mga itinuring na kaibigan: ‘Napunta ako sa friends na bad influence talaga!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending