John Lloyd Cruz umamin na: Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako | Bandera

John Lloyd Cruz umamin na: Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako

Therese Arceo |October 24,2023
facebook
share this

John Lloyd Cruz umamin na: Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako

Therese Arceo - October 24, 2023 - 08:59 PM

John Lloyd Cruz umamin na: Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako

DIRETSAHANG inamin ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang kanyang relasyon kay Isabel Santos.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong araw, October 24, nausisa siya ng King of Talk kung naniniwala siya sa “marriage” na sinagot naman ng aktor ng “oo”.

“Was there a time na hindi ka naniniwala sa marriage?” muling tanong niya kay John Lloyd.

“For me, the right way to put it… baka hindi ko pa nami-meet. Feeling ko it’s defined by two people. Parang it’s hard na kung ikaw lang mag-isa, para akong nagpe-pretend sa mga naging opinyon ko about it, marriage, ‘yung ganoong buhay.

“Parang hindi ko naisip na desisyon ‘yun na ginagawa ng dalawang tao. So it’s either hindi mo pa siya nami-meet or na-meet mo na and it didn’t work,” pagbabahagi ni John Lloyd.

Sunod namang nausisa ni Boy kung ano nga ba ang namamagitan sa kabila ng apo ng tanyag na pintor at cartoonist na si Malang Santos.

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

 

“Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako,” maikling sagot ni John Lloyd ngunit halata ang kilig sa aktor.

Pilit namang kumukuha pa ng karagdaga “ng impormasyon si Tito Boy ngunit tila mas nais ng aktor na maging pribado kung anuman ang meron sa kanilang relasyon.

“We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami (turo sa picture na nasa LED),” sey ni John Lloyd.

Aniya, nakilala niya si Isabel noong lumisan siya sa Kapamilya network.

“Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila ‘yung una kong pinasok na gallery. It was at the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN. Napadpad ako sa pag-e-explore ng [art] so gallery nila ang una kong napasok,” chika ni John Lloyd.

Pagpapatuloy niya, “Matagal na kaming magkakilala. We were talking before pero hindi nag-evolve into something ideal for us at that time at mula noon, present na siya sa buhay ko.”

Malaki rin ang ambag ni Isabel sa kung anuman si John Lloyd ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She’s bery elemental sa mga ganyang bagay. Sa kung paano namo-mold kung anuman ang lumalabas sa bibig ko, kung anuman ang nabubuo sa isip ko. Siyempre ‘yung consideration laging for the two of us especially para sa kanya, laging nandoon,” lahad pa niya.

Related Chika:
Ellen nakilala na ang rumored dyowa ni John Lloyd, wish niya sa ex-BF: ‘Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila’

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending