Gary pinatunayang kaya pa ring panindigan ang titulong ‘Mr. Pure Energy’, nag-check ng blood sugar habang nagko-concert
GRABE! As in grabe talaga kung mag-perform ang nag-iisang Mr. Pure Energy ng Philippine music industry na si Gary Valenciano.
Isa kami sa masusuwerteng nakapanood sa kanyang “Gary V Back At The Museum The Repeat” concert nitong Biyernes ng gabi, October 20, na ginanap sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City na idinirek ng kanyang anak na si Paolo Valenciano.
Salamat sa imbitasyon ng wifey ni Gary na si Angeli Pangilinan through our friend, PR manager Chuck Gomez.
Dito nga muling pinatunayan ng OPM icon na karapat-dapat pa rin siya sa kanyang titulong Mr. Pure Energy dahil sa ipinakita niyang performance sa nasabing concert na tumagal nang mahigit dalawang oras.
In fairness, talagang tumodo si Gary sa lahat ng kanyang production numbers at nasa stage siya mula simula hanggang katapusan ng show kung saan isa lang ang naging special guest niya, at yan ay ang daughter na si Kiana Valenciano.
Baka Bet Mo: Banat ni Janno sa basher na natutuwa pa sa pagkakasakit ni Kris: Pure evil!
Sa kapagitnaan ng concert, tumigil muna sandali si Gary para i-check ng kanyang sugar level gamit ang dala niyang hi-tech na pang-test. “My sugar level is normal kaya wala kayong dapat ipag-alala,” ang paniniguro ni Gary.
View this post on Instagram
Lahat ng taong nasa Music Museum ay talagang nag-enjoy sa concert dahil bukod sa halos lahat ng classic songs ni Gary ay kinanta niya (na may bagong tunog at areglo), ay meron din siyang mga bagong pasabog na siguradong hinding-hindi malilimutan ng manonood.
Sa katunayan, sa isang bahagi ng show ay nagtayuan at nagsayawan na ang audience na tumagal nang halos kalahating oras. As in party kung party ang nangyari sa loon ng Music Museum.
Kaya naman after ng show nang makachikahan namin at ng ilan pang members ng press si Gary ay agad siyang natanong kung hindi ba siya napapagod.
“Napapagod din but it’s like a good work out. You go and work out, and after working out, you’re tired but parang natapos mo lahat ng steps, lahat ng exercises,” tugon ng OPM legend.
Ngayong medyo nagkakaedad na siya (pero parang hindi tumatanda), hinihingal na rin ba siya kapag nagpe-perform? “Meron na rin. Meron pa rin. It’s tiring especially for the voice. Because it’s a challenging repertoire.
“But physically, the people serve as the source of inspiration. Kasi I see the faces, I see the reactions, e. When I see, when I hear them go, ‘Ohhh!’ When they go like that… that means okay. We got them, and that’s what I saw a lot of tonight.
“Actually, the audience has been like that. That’s why we had a repeat. Kasi ang daming humihingi ng… you know, ‘Can we buy tickets pa?’ Here we are, doing this again,” sey pa ni Gary V.
Soldout ang “Gary V Back At The Museum The Repeat” nitong October 20 at 21, kaya naman talagang gumawa naging “scalper” daw si Angeli para makapanood nang batch by batch ang ilang press people na matagal nang hindi nakikita ni Gary.
“Gusto niya, presscon. Sabi ko, hindi kaya. We just arrived from the States Thursday last week,” ang chika ni Angeli.
May dalawa pang show ang “Gary V Back At The Museum The Repeat”, sa October 27 at November 3 na siyang magiging ika-100 solo concert ni Gary sa Music Museum. At sa dami pa ng mga nagre-request na mapanood ang Kapamilya star, baka magkaroon pa ng additional run ang show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.