Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta | Bandera

Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta

Therese Arceo |January 19,2023
facebook
share this

Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta

Therese Arceo - January 19, 2023 - 06:24 PM

Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, nag-collab sa isang kanta

SA unang pagkakataon ay magsasama ang dalawang bigating pangalan sa music industry na sina Chito Miranda at Gary Valenciano.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng bokalista ng Parokya ni Edgar sa ka tang Instagram account nitong Miyerkules, January 19.

Pagkukwento ni Chito, sa edad na walo ay na-expose na siya sa kanta ni Gary Valenciano dahil sa soundtrack na “Bagets”.

Nine years old naman siya noong personal niyang makilala ito sa kanilang family reunion.

Kuwento pa ni Chito, “Sir Gary was there because he and my Aunt Angeli got married…so he became my uncle.

“I was super starstruck and kept following him around asking stupid questions like ‘Tito! How’d you come up with this dance step?'”

Kaya nga raw nang mabuo ang banda ni Chito na Parokya ni Edgar ay swerte silang makasabay si Gary sa mga shows maging sa “ASAP” kapag naiimbitahan sila.

Bukod pa rito ay kinuha rin nila bilang Ninong sa kanilang kasal ni Neri ang nag-iisang Mr. Pure Energy.

“Needless to say, @garyvalenciano has always been a part of my life,” sey pa ni Chito.

Ngunit sa tinagal tagal na raw nilang magkakasama ay ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng collaboration para sa isang original song.

“Ilang buwan naming tinutukan ito, and with the help of our friend @jonathanmanalo, we were able to come up with a beautiful song about love,” lahad pa ni Chito.

Labis naman ang kanyang pasasalamat sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya ni Gary na makasama ito sa paggawa ng kanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

“Thanks Tito @garyvalenciano for giving me the opportunity na gumawa ng kanta kasama mo, at iperform yung song para mga tao that we wrote the song for.

Excited na ko na mapanood ng lahat yung ginawa natin,” maligayang saad ni Chito.

Related Chika:
Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri pinagpaliwanag si Chito kung bakit natanggal sa ‘Idol Philippines’ si Nisha Bedana

Chito Miranda inabot ng ‘dinner’ sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal!

Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending