Alden, Julia bigay na bigay sa mga laplapan at love scenes sa 'Five Break-Ups and a Romance', pang-best actor at best actress ang aktingan | Bandera

Alden, Julia bigay na bigay sa mga laplapan at love scenes sa ‘Five Break-Ups and a Romance’, pang-best actor at best actress ang aktingan

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

Alden, Julia bigay na bigay sa mga laplapan at love scenes sa ‘Five Break-Ups and a Romance’, pang-best actor at best actress ang aktingan

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 05:40 PM

Alden, Julia bigay na bigay sa mga laplapan at love scenes sa 'Five Break-Ups and a Romance', pang-best actor at best actress ang aktingan

Julia Montes at Alden Richards

HINDI na kami magtataka kung ma-nominate at umani ng acting awards sina Alden Richards at Julia Montes para sa pelikula nilang “Five Break-Ups and a Romance.”

Palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide ang unang tambalan sa big screen nina Julia at Alden na idinirek ni Irene Villamor mula sa Cornerstone Studios, GMA Pictures at Myriad Entertainment Entertainment na pag-aari ni Alden.

Napanood na namin ang movie sa ginanap na bonggang premiere night nito kagabi sa SM Megamall cinema na dinaluhan ng naglalakihang celebrities na talaga namang all-out ang ibinigay na suporta kina Alden at Julia.

Una na nga riyan ang isa sa mga BFF ni Julia na si Kathryn Bernardo kasama ang kaibigan din nilang si Miles Ocampo. Hinikayat nila ang mga nasa event na panoorin at suportahan ang “Five Break-Ups and a Romance.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Reaksyon naman ni Julia sa pagsuporta sa kanya ni Kath, “Naglakad ako rito (SM Megamall cinema) for Kathryn, and ngayon naglalakad ako for the film. Iba pala yung feeling. Ang sarap, ang sarap ng pakiramdam, and na-miss ko rin.

“Wala akong masabi. Ako, I’m very blessed to have Kathryn, and yung genuine friendship namin built since Mara Clara pa. Hindi lang siya basta showbiz,” pahayag ni Julia.

Baka Bet Mo: Coleen nanibago sa pag-arte: Ang tagal ko kasing nagpahinga, ang alam ko lang magluto, mag-change ng diapers…

Ang ilan pa sa mga celebrities na nanood sa premiere night ay sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Sanya Lopez, Jane de Leon, Kelvin Miranda, Ruru Madrid, Bianca Umali at Dion Ignacio, Christian Bautista, Angel Aquino, Cherry Pie Picache at John Estrada.

Naroon din ang mga Cornerstone Entertainment talents na sina Iñigo Pascual, Alex Diaz, Moi Bien Marcampo, Queenay Mercado, Elijah Canlas, Kyle Echarri at Empoy Marquez.

Sa kabuuan ng pelikula, masasabi naming mabigat ang tema nito, lalo na ang pinanggagalingan ng mga karakter nina Alden at Julia bilang sina Lance at Justine, ang magdyowang ilang beses naghiwalay pero nagkakabalikan din.

Sa unang bahagi pa lang ng pelikula ay palakpakan na ang manonood sa aktingan ng dalawang bida. As in mararamdaman mo talaga ang matinding feelings nila para sa isa’t isa.

Ang galing-galing nila sa mga pamatay na confrontation scenes lalo ang sumbatan at palitan ng dialogue tungkol sa tunay na nararamdaman nila para sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At siyempre, kailangang abangan n’yo rin ang laplapan at love scene nina Alden at Julia na nangyari sa unang bahagi pa lang ng pelikula.

Baka Bet Mo: Julia Montes ibang level sa ‘Five Break-Ups and A Romance’ with Alden Richards: ‘Ibang-iba ang aktres sa pelikula!’

As in talagang palaban na sila ngayon sa mga intimate scenes na first time nilang ginawa dito sa “Five Break-Ups and a Romance.”

Tama ang sinabi ni Alden sa isang panayam na kailangan sa pelikula ang mga sex scenes nila ni Julia para mas maipakita ang pinanggagalingan ng hugot nila para sa isa’t isa.

“I’m willing to go all-in for this film, because I feel like it’s worth it. I can’t explain, there’s no science behind it, it’s just gut feel. I know I made the right choice,” ang pahayag pa ni Alden about the film.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Julia, “Ito pala yung sinasabi nila kapag passion mo yung isang bagay, iba yung feel, na-empower ako ni Direk Irene dito sa film na ito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending