Lou Yanong umalma sa pambabatikos ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson: Get off my business | Bandera

Lou Yanong umalma sa pambabatikos ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson: Get off my business

Therese Arceo |October 17,2023
facebook
share this

Lou Yanong umalma sa pambabatikos ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson: Get off my business

Therese Arceo - October 17, 2023 - 08:46 PM

Lou Yanong umalma sa pambabatikos ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson: Get off my business

PINALAGAN ng model-vlogger at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lou Yanong ang mga negatibong komento ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson.

Marami kasi ang nagpahayag ng kanilang disgusto sa dalawa matapos ibandera ng aktor ang larawan nila sa kanyang Instagram account.

Kapansin-pansin kasi ang pagiging malapit nina Lou at Markus sa isa’t isa sa naturang mga larawan kaya marami sa mga netizens ang agad na nanghusga at nag-akala na may relasyon ang dalawa.

“Contrast cuteness,” caption pa ni Markus na mas lalong nagpataas ng kilay ng ilang netizens.

Agad na umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang post ng aktor ma karamihan ay pambabatikos sa kanila ni Lou.

Ang ilan pa nga ay ikinukumpara siya sa dating karelasyon at ina ng anak ni Markus na si Janella Salvador.

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Lou Yanong super kilig sa bonding moments nila ng Australian singer-YouTuber Troye Sivan; Dimples, Michelle napa-react

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mga type talaga no Lou yung mga half half,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hindi maganda ang girl . Mas bagay cla ni janella pa rin.”

“Janella pa din mas maganda,” pagkukumpara pa ng isan kay Lou at sa dating karelasyon ni Markus.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring nagtanggol sa dalawa at sinabing matagal na silang magkaibigan. Mayroon ring nagsabi na wala namang masama kung magdyowa ang dalawa dahil pareho silang single.

“Pareho naman silang single na so why don’t you let them be happy wag na nating pakialaman yung buhay nila.At sana bago mamintas kasi, tingnan muna ang sarili Maganda si Lou Yanong, don’t compare her with Janella kasi magkaiba naman,” sabi ng isang netizen.

Lahad ng isa, “They have been long-time friends prior to her PBB stint, it’s just a photo yet all these people in the comsec created all kinds of scenario, throwing insults and whatnot, READ before making any comments, use your eyes and brains!!!”

“Kaloka naman tong mga tao, friends sila before Lou entered pbb naging friend nya na yan si Markus, palibhasa wala kayong mga friends eh no?” chika naman ng isa.

Mukha namang nakarating agad sa dalaga ang mga hindi kagandahang sey ng mga netizens laban sa kanya.

“Get off my business we’re just friends [emoji],” sey ni Lou sa kanyang X (dating Twitter) account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tila pagpaparinig rin ang latest post ni Markus sa IG na may caption na “chill”.

Related Chika:
Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson unti-unting nasira nang bumalik sa Pinas: ‘Perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero…’

Andre Brouillette ipinakilala sa socmed ang non-showbiz GF, netizens na-shookt: ‘Kamukha ni Lou!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending