Lou Yanong super winner daw, dyowa na ba si Kirk Bondad?

Lou Yanong super winner daw, dyowa na ba si Kirk Bondad?

Therese Arceo - October 16, 2024 - 03:04 PM

Lou Yanong super winner daw, dyowa na ba si Kirk Bondad?

USAP-USAPAN ngayon kung ano nga ba ang namamagitan sa sa modelong si Kirk Bondad at sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lou Yanong.

Ang chika kasi ngayon sa social media ay tila may relasyon na ang dalawa at isang matinding ard launch ang ginawa ni Kirk nang ibandera niya ang mga larawan nilang magkasama ng kapwa model.

Sa katunayan, posted ang pictures nina Lou at Kirk sa Instagram ng huli na kuha mula sa kanilang bakasyon sa Palawan.

“Going back for those chicken fingers,” saad ng kapatid ni Clint.

Baka Bet Mo: Lou Yanong umalma sa pambabatikos ng netizens sa larawan nila ni Markus Paterson: Get off my business

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kirk Bondad (@kirk_bondad)

Mayroon ring video ang dalawa na sweet na sweet habang nagdya-jogging.

Makikitang hinahalikan pa ni Kirk sa pisngi si Lou na mas nagpapakumpirma sa netizens na may something sa dalawa.

Para sa mga hindi nakakaalam, si Kirk ay ang reigning Mister World Philippines at lalaban sa international competition ngayong November 23.

Habang si Lou naman ay isang modelo at dating housemate sa “Pinoy Big Brother Otso”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami nga ang napahanga kay Lou sa pagkat puro na lang pogi at gwapo ang nabibingwit nito.

Bago pa man ang tila hard launch ni Kirk ay naging dyowa nito ang kapwa “Pinoy Big Brother” housemate na si Andre Brouillette.

Taong 2021 naman nang maghiwalay ang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending