LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021 Bandera

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021

Therese Arceo |November 19,2021
share this

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021

Therese Arceo - November 19, 2021 - 12:50 PM

Celebrities na naghiwalay ngayong 2021

TOTOO nga ang prediksyon noong 2020 na mapupuno ng iyakan at hiwalayan ang 2021. Narito ang listahan ng mga celebrities na naghiwalay ngayong 2021.

Andre Brouilette at Lou Yanong

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Unang nagkakilala ang dalawa sa loob ng “Pinoy Big Brother” house kung saan na-develop ang kanilang feelings sa isa’t isa. Marso 2019 nang tanungin ni Andre si Lou on national TV kung maaring niya itong maging girlfriend.

Ngunit Enero 2021 ay inanunsyo ng dalawa sa kanilang Instagram ang kanilang paghihiwalay. Ang pagiging LDR o malayo sa isa’t isa ang naging dahilan ng kanilang break-up.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lou Yanong (@louyanong)

Kiko Estrada and Devon Seron

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Mahigit dalawang taon rin ang naging relasyon nina Kiko Estrada at Devon Seron na unang na-develop sa kanilang movie na “Walwal”. Marso noong lumabas ang ispekulasyon na hiwalay na ang dalawa matapos ang mga cryptic posts ni Devon patungkol sa isang third party na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

April nang kumpirmahin ni Kiko ang kanilang hiwalayan ngunit iginiit nito na hindi siya nag-cheat habang karelasyon si Devon.

 

Aljur Abrenica and Kylie Padilla

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021

Mismong si Robin Padilla ang nagkumpirma sa publiko na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica sa kanyang tell-all interview kay Ogie Diaz.

Isa ang kanilang paghihiwalay sa talaga namang sinubaybayan at tinutukan ng madlang pipol dahil sa mga karakter na naging involved sa kanilang isyu.

Mas lalo silang pinag-usapan matapos ang “breaking silence” post ni Aljur na ngayon ay burado na kung saan inakusahan niya si Kylie na unang nagloko at diumano’y nanira ng kanilang pamilya.

Sa ngayon ay pinagsisikapan nilang magkaroon ng healthy co-parenting relationship para sa kanilang dalawang anak na sina Axl at Alas.

Scottie Thompson at Fau Fajardo

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Hunyo nang kumalat ang balita na hiwalay na ang longtime couple na sina Pau Fajardo at ang Ginebra basketball player na si Scottie Thompson.

Ito ay matapos lumabas ang litrato ng kasal ni Scottie sa flight attendant na si Jinky Serrano.

Nagsalita naman si Scottie at nilinaw na dalawang buwan na silang hiwalay ni Pau bago sila ikasal ni Jinky.

Axel Torres at AJ Raval

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Bago pa man makilala si AJ Raval sa kanyang mga sexy movies ay karelasyon na niya ang ex-PBB housemate na si Axel Torres. Halos dalawang taon ring tumagal ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay.

Ayon kay AJ, hindi raw kasi gusto ni Axel ang kanyang pagpapa-sexy kaya nagdesisyon na lamang sila na maghiwalay.

Rabiya Mateo at Neil Salvacion


Nauwi rin sa hiwalayan ang 7-year relationship nina Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo at Neil Salvacion.

Maayos na naghiwalay ang dalawa base sa statement na inilabas ni Neil sa kanyang Instagram story.

Ngunit marami ang nagsabi na marahil ay ang karera ni Rabiya bilang beauty queen ang naging sanhi ng paghihiwalay nila matapos mag-viral ang TikTok audition video ni Neil sa PBB Kumunity 10.

Paolo Contis at LJ Reyes

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Isa sa mga pinaka kontrobersyal na hiwalayan ngayong taon ay ang hiwalayan ng Kapuso stars na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Ito ay matapos mamataan ng mga netizens ang pag-unfollow ni Paolo kay LJ at pagde-delete nito ng mga larawan nila together sa kanyang account.

Kinumpirma naman ito ni Lolit Solis na talent manager ni Paolo at sinabing mutual decision ang kanilang paghihiwalay na pinabulaanan ni LJ sa interview niya kay Boy Abunda.

Lumabas rin ang balitang si Yen Santos ang “third party” sa kanilang hiwalayan matapos silang mamataang magkasama ni Paolo sa Baguio ngunit itinanggi naman ito ni Paolo at sinabing nagkita lang sila roon “as a friend”.

Kiko Estrada at Heaven Peralejo

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Mabilis ring natapos ang relasyon nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo matapos nila itong aminin sa publiko noong Agosto. Umani rin ng batikos si Heaven na itinuturong third party sa hiwalayang Kiko-Devon.

Nilinaw naman ito ni Kiko sa kanyang exclusive interview kay Ogie Diaz at sinabing walang overlapping na naganap dahil Pebrero nang maghiwalay sila ni Devon samantalang Mayo nang maging sila ni Heaven.

Agad umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos i-unfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram. Burado na rin ang mga litrato nilang dalawa na magkasama.

Robert Bolick at Aby Maraño


Umugong ang balitang hiwalay na ang well-known sports couple matapos mag-post ng vacation photo ni Robert Bolick sa kanyang Instagram account kung saan nag-comment si Aby ng “solid naman ng vacation nyo. Hindi ko alam may bago ka na?”

Wala namang inilabas na kumpirmasyon ang dalawa kung totoo man ang kumakalat na balitang break na sila ngunit labis ang pasasalamat ni Aby sa lahat ng suportang natatanggap niya matapos umugong ang isyu ng kanilang paghihiwalay.

Janine Gutierrez at Rayver Cruz

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Nabigla ang madlang pipol nang kumalat ang balitang hiwalay na ang longtime showbiz couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Base sa mga isinulat na balita tungkol sa kanila, ang kakulangan raw sa oras ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa hinggil sa isyung ito.

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021
Hiwalay na rin ang vlogger na si Wil Dasovich at ang cosplyer/entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao.

Ito nga ay kinumpirma ng dalaga sa kanyang Facebook post.

Ipinaliwanag rin nito na ang pagiging “incompatible” nilang dalawa ang naging dahilan kung bakit sila nagdesisyon na maghiwalay.

Dagdag pa niya, natanggap na niya ang pangyayari dahil ilang beses na rin nilang sinubukan ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi talaga ito nag-work.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Related Chika:
#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?
LJ di pa rin kinakausap ni Paolo: No efforts
Kylie Padilla mas naging palaban: No tears left to cry

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending