LJ di pa rin kinakausap ni Paolo: No efforts Bandera

LJ di pa rin kinakausap ni Paolo: No efforts

Therese Arceo |October 28,2021
share this

LJ di pa rin kinakausap ni Paolo: No efforts

Therese Arceo October 28, 2021 - 12:29 PM

LJ di pa rin kinakausap ni Paolo: No efforts

ILANG linggo na ang nakakalipas matapos basagin nina LJ Reyes at Paolo Contis ang katahimikan ukol sa kanilang paghihiwalay ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-reach out kay LJ ang dating partner nitong si Paolo.

Ito ang isiniwalat ni LJ sa kanyang latest exclusive interview kay Tito Boy Abunda.

“No, Tito Boy. No efforts,” sagot ni LJ nang tanungin siya ni Tito Boy kung kinausap na ba siya ni Paolo matapos ang kanilang hiwalayan.

Ngunit kahit ganon ang nangyari ay ipinapanalangin pa rin niya na sana ay mapatawad niya someday ang dating karelasyon.

“Pinagdarasal ko na mapatawad ko siya because I know that if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. I won’t be able to move forward with my kids nang maayos, ‘yung walang galit,” saad ni LJ.

Amin rin niya na hanggag ngayon ay may sakit pa rin siyang nararamdaman dahil sa nangyari.

“Siyempre, may pain. Hindi pa mawawala ‘yun. But for me to make, at least, decent decisions that will benefit my kids. I really have to set aside all those negative emotions,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nananatili pa rin si LJ kasama sina Aki at Summer sa New York kung saan nakatira ang pamilya ni LJ.

Matatandaang kinumpirma ng talent manager ni Paolo na si Lolit Solis na hiwalay na ang dalawa matapos lumabas ang samu’t saring haka haka sa tunay na estado ng relasyon nila.

Ayon kay Manay Lolit ay mutual ang naging desisyon ng dalawa na maghiwalay na pinabulaanan ni LJ.

Matapos ng interview ay inamin ni Paolo sa kanyang Instagram account na nag-cheat siya kay LJ ngunit iginiit nitong hindi involved sa kanilang hiwalayan ang kanyang naging leading lady sa “A Faraway Land” na si Yen Santos.

Inamin rin nito na si Yen Santos nga ang kasama niya sa mga kumalat na pictures at videos ngunit sinabi niyang sinamahan lang siya ng aktres “as a friend” at walang namamagitang espesyal sa kanilang dalawa.

Related Chika:
Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat
Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending