Kylie Padilla mas naging palaban: No tears left to cry | Bandera

Kylie Padilla mas naging palaban: No tears left to cry

Therese Arceo |November 18,2021
facebook
share this

Kylie Padilla mas naging palaban: No tears left to cry

Therese Arceo - November 18, 2021 - 09:40 PM

Kylie Padilla mas naging palaban: No tears left to cry

NAKA-MOVE on na nga kaya ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanilang hiwalayan ng dating asawang si Aljur Abrenica?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos mag-upload ng aktres ng kanyang stunning photos sa Instagram.

“No tears left to cry,” saad ni Kylie aa kanyang post.

Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa madlang pipol.

“Ang ganda ganda! I’m so proud of you Ms. Kylie for being a strong woman. You really deserve to be happy.”

“We are so proud of you Kylie. You showed us how strong you are!”

“A definition of strong independent woman.”

Ilan lang ito sa mga komento ng netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

May Instagram story rin ito patungkol sa isang pagiging great man na quote mula kay Brandon Sanderson.

“The mark of a great man is one who knows when to set aside the important things in order to accomplish the vital ones.”

Matatandaang naging suki ng kontrobersiya si Kylie matapos maisapubliko ang paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Mas lalo pang naging mainit ang usapan ukol sa kanilang paghihiwalay matapos ang pag-amin ni AJ Raval na nanliligaw sa kanya si Aljur.

Ngunit ang naging “breaking silence” post ni Aljur ang talagang nakadagdag apoy sa nagliliyab nilang kontrobersya kung saan inakusahan ng aktor si Kylie na unang nangaliwa at diumano’y sumira raw ng kanilang pamilya.

Ito nga ang nag-udyok kay Kylie na magsalita at magpa-interview sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Dito ay nilinaw niya na ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil parehas silang hindi na masaya sa kanilang relasyon.

Sa huli ay pinili na lang ng aktres na huwag nang i-ellaborate ang mga detalye sa kanilang paghihiwalay dahil nais rin nitong protektahan ang kanilang pamilya lalo na ang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami kong pwedeng sabihin na ikakasira niya because we were both in the marriage but I chose to keep quiet na lang about the details kasi hindi naman makakatulong sa ‘min.”

December 2018 nang magpasyang magpakasal ang dalawa.

Related Chika:
Kylie may hamon kay Aljur: Let’s do it in court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending