Kylie may hamon kay Aljur: Let's do it in court | Bandera

Kylie may hamon kay Aljur: Let’s do it in court

Therese Arceo |October 26,2021
facebook
share this

Kylie may hamon kay Aljur: Let’s do it in court

Therese Arceo - October 26, 2021 - 12:22 PM

Kylie may hamon kay Aljur: Let's do it in court

LESSON learned para kay Kylie Padilla ang nangyari sa kanila ng estranged husband na si Aljur Padilla.

Sa kanyang tell-all interview kay Jessica Soho, sinagot ni Kylie ang mga maiinit na akusasyon sa kanya ni Aljur sa viral “breaking silence” post nito sa Facebook noong Oktubre 17.

“I know my truth. I know what I went through. And I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya,” paglalahad niya.

Nilinaw rin niya na hindi siya kailanman nagloko noong nagsasama pa sila ni Aljur.

“In my defense, while we are formally married, I never had any extramarital relationships with other men,” paglilinaw ni Kylie.

Aminado siya na kasalanan niya kung bakit naging bukas ang kanilang isyu sa madlang pipol nang magsimula siya magbahagi ng “cryptic posts” noong Pebrero.

“This started noong February and I opened the door so that everyone can have a say but for me kasi, that time, I am suffering. I didn’t know how to handle what I was going through. And I’m sorry, I learned from that mistake.” saad ni Kylie.

Aniya, nasaktan siya noong sabihin ito ng aktor sa kanyang social media lalo na’t nagkaroon sila ng kasunduan na magkasamang magpapa-interview para linawin ang lahat.

“Na-hurt ako, sobra sa sinabi n’ya that I wrecked the family. Hindi ko in-expect ‘yun kasi we had an agreement — sabay tayong magpapa-interview para kahit after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united front. Iisipin pa rin namin na family pa rin kami.”

Amin rin ni Kylie, napagalitan rin siya sa mga cryptic messages na ipinost niya. Aware rin siya na naging reckless siya sa ginawa ngunit talagang nasaktan lang siya sa sinabi ni Aljur na siya ang unang nag-cheat. Na para bang sinisisi na naman siya ng aktor sa mga nangyari.

“And if we play the blaming game, what are we gonna get if we try to attack each other online? I mean, who is it helping? Let’s do it in court na lang kung gudto mo ng ganyang labanan,” saad pa niya.

Dagdag pa niya, nais na lamang niyang protektahan kung ano ang kaya at pwede pa niyang protektahan.

Iniisip pa rin ni Kylie ang kanilang mga anak at ayaw niyang lumaki ang mga bata na nakikita o nararamdaman na toxic ang kanilang magulang dahil siya mismo ay naramdaman ito noon.

“Kung mase-save ko pa sana ‘yung friendship namin, tuwing magkikita kami para kunin ‘yung mga bata, okay kami. Ayokong tuluyan na sirain ko siya o magbatuhan kami. Hindi ‘yun ‘yung gusto kong mangyari.

Hiling pa rin ni Kylie na sana dumating ang panahon na parehas nilang matagpuan ng dating asawa ang happiness nila.

“Tsaka ngayon, kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy. Sana talaga, we both move forward from this and we both end up happy.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life
Aljur, Kylie may ‘comeback’ nga ba?

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending