Ex-PBB housemate Lou Yanong super kilig sa bonding moments nila ng Australian singer-YouTuber Troye Sivan; Dimples, Michelle napa-react | Bandera

Ex-PBB housemate Lou Yanong super kilig sa bonding moments nila ng Australian singer-YouTuber Troye Sivan; Dimples, Michelle napa-react

Alex Brosas |August 17,2023
facebook
share this

Ex-PBB housemate Lou Yanong super kilig sa bonding moments nila ng Australian singer-YouTuber Troye Sivan; Dimples, Michelle napa-react

Alex Brosas - August 17, 2023 - 06:24 AM

Ex-PBB housemate Lou Yanong super kilig sa bonding moments nila ng Australian singer-YouTuber Troye Sivan; Dimples, Michelle napa-react

Lou Yanong at Troye Sivan

MARAMI ang kinilig sa latest Instagram post ng model-actress and former “Pinoy Big Brother” housemate Lou Yanong recently.

Bakit naman hindi, eh, nakasama lang naman niya ang sikat na Australian singer, former actor and YouTuber na si Troye Sivan.

As a YouTube personality, mayroong more than 7.3 million subscribers si  Troye at mahigit 1.3 billion total views. Sa Instagram naman ay mayroon itong 14.8 million followers.

Sa IG post ng mainstay ng “The Iron Heart” ay makikitang nakikipagsayaw si Lou sa Australian singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lou Yanong (@louyanong)


“@troyesivan thank you @umgph!! Can’t wait for October 13 !!!”

That was Lou’s caption sa kanyang short IG video.

Ang ilan sa mga nag-react ay ang “The Iron Heart” co-star ni Lou na si Dimples Romana.

Nag-comment dim si Leila Alcasid na anak ni Ogie Alcasid. Maging ang beauty queen na si Michelle Dee ay nag-comment din.

Samantala, patuloy na tinututukan ng publiko ang hit action series “The Iron Heart” dahil sa umaatikabong action scenes at plot twists kaya naman pumapalo ng lampas 300,000 live concurrent views ang kada episode nito simula nang magbukas ang kanilang bagong season noong Hunyo.

Baka Bet Mo: Nathalie Hart hindi makapaniwalang ikinasal na sa Australian partner na si Brad Robert

Tuluyan ng tinanggap ni Apollo (Richard Gutierrez) ang tungkulin niya bilang bagong lider ng Tatsulok na ipinamana sa kanya ng amang si Priam (Albert Martinez) para ipagpatuloy ang paghihiganti niya kay Brother Joseph (JM de Guzman).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryuji Shiomitsu (@ryujishiomitsu)


Sa kanyang muntik na pagkamatay sa engkwentro niya kina Menandro (Ian Veneracion) at Eros (Jake Cuenca), alam ni Apollo na wala na siyang maasahan są CIB ngayon lalo pa at siya ang tinuturong suspect sa pagkamatay ng asawa ni Brother Joseph.

Wala naman siyang sınayang na panahon bilang bagong lider ng Tatsulok at sinimulan ang kanyang misyong pabagsakin ang Yusebeia.

Kahit naman tutol dito sina Selene (Dimples Romana), Orcus (Christian Vasquez), at Nyx (Sofia Andres) ay tinutulungan nila ito makakalap ng impormasyon tungkol sa nasabing organisasyon.

Sa kabilang banda, tuloy-tuloy naman ang operasyon ng Altare sa pamumuno ni Eros habang hinahanap nila si Apollo.

Magtagumpay kaya si Apollo sa una niyang misyon bilang bagong lider ng Tatsulok at tuluyang malaman ang lihim ng Yusebeia? Malaman din kaya niya ang kaugnayan nito sa Altare?

Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending