Markus Paterson inilabas ang tunay na feelings sa bagong kanta: 'I understood the missed opportunities, lahat ng pagkukulang ko' | Bandera

Markus Paterson inilabas ang tunay na feelings sa bagong kanta: ‘I understood the missed opportunities, lahat ng pagkukulang ko’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 07:05 AM

Markus Paterson inilabas ang tunay na feelings sa bagong kanta: 'I understood the missed opportunities, lahat ng pagkukulang ko'

Markus Paterson

ITINUTURING ng Kapamilya actor-singer na si Markus Paterson na “therapy” ang pagiging musician, lalo na ang paggawa ng sarili niyang mga kanta.

In fairness, maraming mga nakaka-relate sa bago niyang acoustic pop single na “Chaos” released under Tarsier Records na tumatalakay sa mga “missed connections” sa buhay.

Ayon sa binata, “I understood the missed chances. I understood the missed opportunities, lahat ng pagkukulang ko.

“Not in a sad way, but more of acceptance, like, ‘I could’ve done this, but now I’m here,” sey pa ng “Pira-Pirasong Paraiso” star sa isang episode ng Kapamilya Chat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Dugtong pa niya, “All the chaotic moments in my life had led me to this exact moment right here and I wouldn’t change that.”

Nabuo raw ang “Chaos” nang makipag- jamming siya sa kapwa Tarsier Records artist na si Jon Guelas. Isinulat daw niya ang kanta ang musician ding si Moophs, na siya ring in-charge sa production ng song.

“Music to me is like therapy. Every time I come home from a long day from work or just a long day in general, I see my guitar.

Baka Bet Mo: Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

“When I walk into my bedroom, I see the guitar. It always depends on how the day went. Kung masaya, eh ‘di masaya ‘yung kanta na isusulat ko.

“Kung hindi at medyo bad trip ako nu’ng araw na ‘yun, medyo emotional ‘yung kanta,” pahayag pa ni Markus.

Nagsimula ang pagiging recording artist ng aktor noong i-release ang debut single niyang “WIWU” noong 2017. Sinundan pa ito ng “EASE” at “Tell Me.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Taong 2020 nang i-release ang kanyang first EP na “B-Side” na nakakuha ng over five million streams on Spotify.

Kamakailan, sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz ay napag-usapan ang nasirang relasyon nila ni Janella Salvador. Tanong ni Ogie sa aktor at singer, “What went wrong?”

“It simply wasn’t perfect, actually perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero nu’ng bumalik na kami dito sa Pilipinas parang COVID nu’ng time na ‘yun ay delikado pero kailangan na naming mag-work.

“A lot of realities set in na kailangan pala namin ng yaya and maraming problem, it came to a point na we’re not talking anymore, so, we decided to take a break and see what happens (next),” sabi ng aktor.

Inamin ni Markus na hate ni Janella na nagwo-walkout na ginagawa niya kapag may hindi sila napagkakasunduan.

“Yeah, ganu’n ako at ‘yan ang pinaka-hate ni Jea (palayaw ni Janella) saka duwag din ako ayaw kong humarap sa problema at ‘yan ang ayaw kong maulit sa next (girlfriend ko),” paliwanag ng aktor.

Martin Nievera na-shookt matapos alukin ni David Foster sa Las Vegas show: It is truly an honor!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending