Kelvin Miranda hindi naniniwala sa pagkakaroon ng 'ideal girl': 'Darating siya kung para sa ’yo talaga' | Bandera

Kelvin Miranda hindi naniniwala sa pagkakaroon ng ‘ideal girl’: ‘Darating siya kung para sa ’yo talaga’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:35 AM

Kelvin Miranda hindi naniniwala sa pagkakaroon ng 'ideal girl': 'Darating siya kung para sa ’yo talaga'

Kelvin Miranda

KUNG ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang tatanungin, hindi siya naniniwala sa sinasabing “ideal girl“.

Natanong kasi ang binata sa isang interview kung ano ba ang hinahanap niya sa isang babae na papasa bilang girlfriend niya.

“I don’t believe in having an ideal girl or ideal woman. For me, as long as na totoo hindi siya hinahanap talaga, kumbaga darating siya kung para sa ’yo talaga,” ang pahayag ni Kelvin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)


Kaya naman kahit paano ay nakaka-relate siya sa kuwento ng kanyang Netflix movie na “Missed Connections” kung saan kasama niya sina Miles Ocampo at Chie Filomeno.

“Masaya ako sa proyektong ito kasi naramdaman ko ‘yung suporta ng management at network. Nag-audition po ako sa role as Norman and nagpapasalamat ako na nakuha ko ito.

“Masarap po sa feeling lalo na at first time kong nakatrabaho sina Miles at Chie. Very professional at collaborative po silang katrabaho,” pahayag ng aktor.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan, Belle Mariano natural ang pagpapakilig; bibida sa ‘He’s Into Her’

Kuwento pa niya, “Ang movie po ay tungkol sa connection na hinahanap natin. At ‘yung missed connection po nangyayari ito araw-araw so masasabi kong relatable at nakaka-touch ‘yung kwentong mangyayari dito.

“First time ko rin gumanap sa pelikulang hindi chick boy or bad boy yung character ko. Ang character ko rito ay wholesome talaga at walang girlfriend since birth so wala siyang experience at all.

“Hindi niya alam paano makipag-usap sa mga babae at kung paano sasabihin yung nararamdaman niya. Very awkward yung character ko na magugustuhan ng manonood kasi light lang yung personality niya. May romantic connection din po ako kay Miles and Chie at doon iikot yung istorya,” pagbabahagi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)


Sa ngayon, mas focus daw muna si Kelvin sa kanyang acting career, “Ngayong gumagawa po ako ng mga pelikula, nag-stop po muna ako sa pag-venture sa music pero hindi ko po sinasara ‘yung pinto ko for opprtunities.

“Mas nag-focus lang po ako sa pelikula kasi kailangan ko pong paghandaan ‘yung characters. Stressful din po in a good way to portray different roles kasi nacha-challenge ko ‘yung sarili ko na hanapin ‘yung bagay na ‘di ko noon kayang gawin.

“Napakarami kong natututunan doon sa characters na ginagampanan ko,” aniya pa.

Ilan sa mga pinagbidahang projects ni Kelvin ay ang mga seryeng “The Lost Recipe,” “Mano Po Legacy: Her Big Boss,” “TOLS,” “Unica Hija,” at ang pelikulang “Dead Kids.”

Napapanood din siya ngayon sa Kapuso weekly series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” starring Bong Revilla and Beauty Gonzalez.

Chie Filomeno sa ideal BF: Yung mahal ang family niya, may takot sa Diyos kasi feeling ko domino effect na yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending