EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: 'It was definitely opposite of what I expected' | Bandera

EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: ‘It was definitely opposite of what I expected’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:32 AM

EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: 'It was definitely opposite of what I expected'

EJ Obiena

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng Asian Games gold medalist na si Ernest John “EJ” Obiena ang paglaban niya sa 2024 Paris Olympics.

Gagawin ni EJ ang lahat para muling mabigyan ng karangalan ang Pilipinas sa pagsabak niya sa Paris Olympics matapos maiuwi ang gold medal sa katatapos lang na Hangzhou Asian Games.

Sa naganap na mediacon na in-organize ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), nagkuwento ang Pinoy athlete tungkol sa ilang kaganapan sa pakikipaglaban niya sa Asian Games 2023.

Inamin ng binata na marami talaga siyang pinagdaanang pagsubok habang nagte-training ngunit nakiusap siyang huwag nang magdetalye. Ang mahalaga raw ay nalagpasan niya ang lahat ng struggles niya bilang athlete.

“I was able to do it with a lot of people’s help,” ang tanging nasabi ni EJ.

Baka Bet Mo: Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Sa tanong kung ano ang ine-expect niya sa Paris Olympics, “I think wala po akong expectation. I have aspirations, I would say.”

Ang focus ng gagawin niyang training ngayon para sa Paris Olympics ay kung paano pa niya mas mapapabongga ang kanyang performance para muling makasungkit ng gold medal para sa bansa.

Samantala, nausisa rin ang atleta kung ano ang naging reaksiyon niya nang magsigawan at mag-cheer sa kanya ang libu-libong Chinese sa Asian Games kahit pa mula siya sa Pilipinas.

Ang ine-expect daw ni EJ, ay ibu-boo siya ng audience lalo pa’t kalaban nila ang team ng Chinese, “It was definitely opposite of what I expected. I was expecting boos, especially I was going toe-to-toe against the Chinese team.

Baka Bet Mo: Kris umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mark Leviste: ‘We are proof that LOVE comes when you least expect it’

“I was expecting a loud and long boo but it was totally opposite. There were lots of cheers, lots of positive energy.

“And for a moment in time, I think it was not about Chinese or Filipino, you know. It was whole Asia watching the best of Asian athletes compete. And I think that unifies the whole continent,” paliwanag pa ni EJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, personal na tinanggap ni EJ ang donasyon para sa kanya ng FFCCCII na nagkakahalaga ng P5 million plus the additional gift na P1 million ng dating presidente ng grupo na si Ambassador Francis Chua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending