EJ Obiena pasabog mga rebelasyon sa ‘My Mother, My Story’ ni Boy Abunda
NAPAKARAMI pang na-discover ng King of Talk na si Boy Abunda sa number 3 pole vaulter ng 2024 World Athletics Rankings at Pinoy Olympian na si EJ Obiena.
Si EJ, o Ernest John Uy Obiena, sa tunay na buhay, ang magiging special guest ni Tito Boy sa limited talk series na “My Mother, My Story” ngayong Linggo nang hapon, September 29.
Mas kilalanin pa si EJ sa naturang episode ng “My Mother, My Story” na siguradong aantig muli sa inyong puso at maghahatid ng inspirasyon sa lahat ng mga anak at magulang.
Nakachikahan namin si Tito Boy nitong Martes, September 25, at nagkuwento siya ng ilang exciting details tungkol sa kanyang interview kay EJ.
Kabilang na riyan ang nakaka-inspire na kuwento kung paano siya nagsimula bilang pole vaulter at sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa larangan ng sports.
Baka Bet Mo: Maricel Soriano sumabak sa pole dancing, bumilib kay Ciara Sotto: Oh my God! Ang galing, parang magic!
Siyempre, may mga gagawin ding pag-amin si EJ tungkol sa mga sakripisyo at paghihirap na pinagdaanan niya sa kanyang personal na buhay at career, lalo na kung paano siya sinuportahan ng kanyang mga magulang na sina Emerson at Jeanette – na dati ring mga atleta.
View this post on Instagram
And for the first time, sabi ni Tito Boy, magsasalita si EJ on national TV tungkol sa pakikipaglaban nila ng kanyang pamilya noong 2021 sa umano’y tampering at embezzlement na inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association.
Dito raw inamin ni EJ na nasaktan siya at nagalit sa kanyang ina dahil sa isyu rin ng pera. Na-resolve na ang isyung ito pero binalikan nga ng binata sa panayam ni Tito Boy para mas maliwanagan ang publiko.
“He was in pain, he was angry because he didn’t commit a crime,” pagbabahagi pa ni Tito Boy. Hindi rin daw pumayag na dumaan sa mediation ang naturang kaso dahil gusto niyang lumabas ang katotohanan.
Sabi niya, “I want to vindicate myself, wala akong ginawang masama. Again, du’n mo makikita yung character ni EJ.”
Bukod pa rito, sinagot din ng binata ang tanong ni Tito Boy sa kanya na, “Sino ka nang dahil sa iyong ina?”
Sey ni Tito Boy, ang guesting ni EJ sa “Fast Talk” ang naging inspirasyon ng buong team ng “My Mother, My Story” para siya ang bumida sa kanilang next episode.
“Napakaganda, napakasarap kausap. He’s a wonderful human being. Napakagaan. Although we covered a lot, of course including our conversation with her mother, Jeanette, parehong atleta ang kanyang mga magulang and the younger sister is also an athlete,” kuwento pa ng King of Talk.
View this post on Instagram
Marami pang naichika sa amin si Tito Boy about his interview with EJ Obiena pero mas magandang panoorin at tutukan n’yo na lang ang kuwento ng ilang bahagi ng kanyang buhay na hindi pa nalalaman ng publiko.
“Makikilala natin si EJ as a man who never quits, a man who fights for his truth, a man who honors his family, and a man who loves his country,” ang sey pa ni Tito Boy.
Babandera na yan sa pinakabagong episode ng “My Mother, My Story”, sa darating na Linggo, September 29, 2 p.m. sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.