Grupo nina Rayver at Julie Anne sobrang pasalamat na nakaalis agad sa Israel: ‘Kasi after nilang makasakay, nagsara ulit ang airport…kawawa yung iba’
NAKAHINGA na nang maluwag ang talent manager at itinuturing na ring pangalawang magulang ni Rayver Cruz na si Albert Chua.
Ayon kay Albert, Lunes ng hapon dumating sina Rayver at ang kasintahan nitong si Julie Anne San Jose galing ng Israel kung saan kasalukuyang sumisiklab ang giyera laban sa Hamas.
Kuwento ni Albert, “Habang nandoon sila (Rayver at Julie Anne), wala akong tulog. Takot na takot sila Ray habang nasa shelter, sobrang alaga naman daw sila pero siyempre di ba, nagkakabombahan na, eh.
“Kaya nu’ng sinabing nagbukas na ang airport at may biyahe na, nagpunta na agad sila, alam mo sobrang pasalamat talaga kasi after nilang makasakay, nagsara ulit ang airport.
Baka Bet Mo: Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay
“Wala nang biyahe ulit kaya kawawa ‘yung ibang may schedule pa, tengga sila (sa airport),” aniya pa.
Pero kahit na nakaalis na ng Israel at pabalik na ng Pilipinas sina Rayver at Julie Anne ay hindi pa rin makapampante si Albert.
View this post on Instagram
Kaya naman talagang matindi ang nararamdaman niyang pag-aalala at nabunutan lang siya ng tinik nang lumapag na ang Emirates Airline sa Clark International Airport sa Pampanga.
Good thing na on time din bumalik ang aktor dahil kinabukasan ay may taping siya para sa bagong drama series niya kasama si Jasmine Curtis-Smith na ipalalabas sa first quarter ng 2024 sa GMA 7.
Baka Bet Mo: Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!
Tinanong namin kung ibinalik ba nina Rayver ang talent fee nila sa producer ng show sa Israel.
“Hindi, kasi hindi naman kasalanan nina Rayver na hindi tuloy ang show. Sabi nu’ng kausap namin ire-reschedule na lang nila kasi nga di ba, may giyera.
“Pero wala ng additional pay ‘yun at saka depende rin sa schedule nina Ray kung available sila,” kaswal na sagot ni Albert.
Ganito ang dilemma ng mga producers na hindi natutuloy ang show dahil malaki talaga ang lugi nila at pawang OFWs ang nagpatak-patak para makapag-produce sila para sa karagdagdang kita roon, pero ganito pa ang nangyari.
Sana umayos na ang lahat at matuloy pa rin ang show ng JulieVer sa 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.