Mga buhay na hipon nagtalunan sa boobs ni Ivana Alawi: 'Oh, my God! Ano ba 'to!' | Bandera

Mga buhay na hipon nagtalunan sa boobs ni Ivana Alawi: ‘Oh, my God! Ano ba ‘to!’

Ervin Santiago |October 12,2023
facebook
share this

Mga buhay na hipon nagtalunan sa boobs ni Ivana Alawi: ‘Oh, my God! Ano ba ‘to!’

Ervin Santiago - October 12, 2023 - 07:34 AM

Mga buhay na hipon nagtalunan sa boobs ni Ivana Alawi: 'Oh, my God! Ano ba 'to!'

Ivana Alawi

ALIW na aliw ang mga netizens sa bagong vlog ng Kapamilya star na si Ivana Alawi na kinunan sa pagbabakasyon niya sa Bangkok, Thailand kasama ang ilang kaibigan.

Nilibot ng grupo nina Ivana ang ilang kainan sa Bangkok kabilang na ang isang karinderya doon. In fairness, nag-enjoy naman sila sa paglafang ng mga iba’t ibang pagkain doon.

Pagkatapos nito, naglamiyerda naman sila sa isang lugar doon na parang sa Divisoria. Buy si Ivana ng mga damit at isang pares na shades.

Kasunod nito, muli silang naghanap ng makakainan. Nakahanap sila ng isang tindahan ng mga exotic food at isa sa mga nabili nila ay coconut ice cream na nakalagay mismo sa loob ng biniyak na buko.

Buy din sila ng durian kung saan may nakatuhog na tila fried strawberry dahil sey ni Ivana at ng mga kasama niya ay malutong daw ito.

Baka Bet Mo: Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ngunit ang talagang nagmarka sa mga netizens ay nang i-try nilang kumain ng buhay na hipon na may kung anu-anong sahog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“Hoy, huwag nating kainin ‘to,” ang sey ng kaibigan ni Ivana.

“Bakit?” ang tanong naman ng aktres at content creator.

“Puwede nating alagaan,” ang birong sagot ng kanyang friend.

Natatawa namang hirit ni Ivana, “Iuwi natin ng Pilipinas (para maalagaan).”

Baka Bet Mo: Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Habang inalug-alog na ni Ivana ang biniling hipon na nakalagay sa isang plastic food container, bigla siyang natakot dahil nagtatalon at naglalabasan ang mga ito sa lalagyan.

Ibinigay agad niya ito sa kanyang kaibigan para ito na lang ang mag-alog pero muling nagtatalun-talon ang mga hipon at napunta sa kanyang boobs.

Kaya naman biglang napamura si Ivana, “Tumatalon siya sa dede ko! Oh my, God! Ano ba ‘to?!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, kumain din ang Kapamilya actress at sikat na vlogger ng tipaklong at alakdan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending