Young male celeb itinuturong tunay na ama ng anak ni kilalang aktres, knows kaya ng kanyang karelasyon? | Bandera

Young male celeb itinuturong tunay na ama ng anak ni kilalang aktres, knows kaya ng kanyang karelasyon?

Reggee Bonoan |October 11,2023
facebook
share this

Young male celeb itinuturong tunay na ama ng anak ni kilalang aktres, knows kaya ng kanyang karelasyon?

Reggee Bonoan - October 11, 2023 - 02:31 PM

Young male celeb itinuturong tunay na ama ng anak ni kilalang aktres, knows kaya ng kanyang karelasyon?

Guess, guess who!?

ANO kaya ang masasabi ng wannabe actor na sa social media posts na lang niya nakikita ang “anak” niya sa aktres na minsang naging bahagi ng kanyang buhay?

Sobrang tago ang naging relasyon nina wannabe actor at aktres dahil parehong silang may ibang karelasyon kaya pareho silang ingat na ingat at wala rin kaming alam na may pinagsabihan sila.

Ang “anak” ng wannabe actor ay may hawig sa kanya lalo na nu’ng pagtabihin namin ang larawan nila pero in fairness ay may hawig din ito sa mommy ng bata at wala kaming makitang features na nakuha sa karelasyon ng aktres.

Baka Bet Mo: John Arcilla bet na bet pa ring tawaging ‘Heneral’, sasabak na sa pagho-host ng bagong game show

Sana lang walang matatalas na mga mata ng netizens na mapansing magkahawig ang wannabe actor at “anak” nito dahil kapag nagkataon ay malaking isyu ito sa showbiz.

At sana rin ay hindi maisipan ng karelasyonng aktres na ipa-DNA test ang anak nila dahil tiyak na mabubukelya niya ito, pero sa tingin namin ay mukhang malabong gawin nga kasi sobrang in love siya sa ina ng anak nila.

Sa kasalukuyan ay putol na lahat ang komunikasyon ng wannabe actor at ng aktres at hindi rin sila puwedeng magkasama sa isang project.

* * *

Kamakailan lang umere ang game show na “Spingo” ng TV5 ay nakapamahagi na ito ng premyong abot sa P3 million at ibinalita ring mas marami pang papremyong parating.

Malaki ang naging impact ng bagong interactive game ng TV5 na “Spingo” sa TV viewing habit ng mga Pinoy dahil patuloy ang kanilang pagbibigay ng malaking papremyo sa kanilang studio contestants at home players araw-araw.

Simula nang nag-premiere ang show sa TV5 noong nakaraang buwan, ang “Spingo” ay nakapamahagi na ng mahigit 3 milyong piso sa kanilang mga naging studio players at home viewers.

Dumadagdag na rin ang big winners mula sa studio katulad nina Alex Calleja na nakapag-uwi ng P910,000, si Tuesday Vargas na nakapanalo ng P411,000, si cosplayer Resty Siarez na nakakuha ng P852,000, at E-gamer Trisha na nanalo ng P510,000.

Dahil may interactive feature ang game show, maaari ring manalo ang mga manonood sa bahay. Kailangan lang gamitin ang Spingo app habang pinapanood ang show.

Baka Bet Mo: Wannabe actor na dating seminarista nilayasan ang talent manager, ‘ibinahay’ ng kilalang direktor

Mayroon nang limang home players na nakatama sa blackout jackpot at nanalo ng grand prize worth P100,000 kada araw. Ilan sa mga nanalo na home viewers ay sina Richard Mabua Rafols ng Manila at Ma. Reyna Ocampo ng Marikina na pumunta sa TV5 studio para ma-meet and greet ang mga host.

Isa pang nagpasikat sa Spingo ay ang refreshing at energizing na tandem ng mga game show host na sina John Arcilla at Spingorgeous Girl Sam Coloso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumali na sa pinakabagong craze sa telebisyon at tumutok sa “Spingo” tuwing 5:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes, sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending