Wannabe actor na dating seminarista nilayasan ang talent manager, ‘ibinahay’ ng kilalang direktor
SPECIAL friend na ngayon ng kilalang direktor ang isang wannabe actor na dating seminarista.
Lumabas ng seminaryo ang wannabe actor dahil nais ng mga pari na subukan ang buhay sa labas bilang parte ng kanyang probation period.
Tila nagustuhan ng wannabe actor ang buhay sa labas dahil may nakilala siyang talent manager habang naglalakad sa mall at inabutan ng calling card. Gasgas na ang kuwentong ganito pero nag-e-exist pa rin pala.
Anyway, sinubukan ng wannabe actor na tawagan ang talent manager na nag-abot sa kanya ng calling card at nag-usap nga sila. Pinangakuan siya na ihahanap ng projects at habang wala ay pina-attend ng workshops at iba pang training para sa sarili.
Matino at pormal makipag-usap ang talent manager kaya nakampante naman ang wannabe actor pero mukhang nagmamadali siya dahil umabot na sa tatlong buwan ay wala pa ring project ang aspiring talent kaya tinawagan niya ang kilalang direktor na nakita niya ang numero sa directory ng talent manager.
Kaagad nagkita sina direk at wannabe actor at nagkasundo agad na bibigyan siya ng work pero hindi muna siya aarte sa harap ng kamera dahil halatang wala pang alam.
“Ginawa siyang taga-picture, nagbabasa ng script para sa mga nakakalimot ng linya, naging talent,” say ng aming source.
Baka Bet Mo: Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: ‘Apakahirap! Para kang buntis!’
Hindi kuntento ang wannabe actor sa mga ginagawa niya dahil gusto nga nitong umarte kasi may nagsabi raw na puwede siyang maging artista dahil may itsura siya.
Hindi pa rin napapayag ang kilalang direktor kahit cameo role lang o basta daanan ng camera. Kinausap na lang daw ni direk si wannabe actor na iwo-workshop siya para kapag nadaanan ng kamera ay kakikitaan ng karakter at puwedeng madagdagan pa.
“Hindi na namin alam kung anong nangyari sa workshop kasi after a week nalaman namin sa bahay na ni direk nakatira si ____ (wannabe actor) at binilhan siya ng bagong mga damit, sapatos, at motorsiklo para raw hindi na siya mag-commute,” tsika pa ng aming source.
Anong nangyari sa talent manager na nakadiskubre sa kanya, “E, di iniwan, naloka lang si ____ (talent manager). Hindi na niya hinabol hindi naman niya kawalan,” sagot ng aming source.
Si wannabe actor ay hindi na bumalik sa seminaryo dahil nagustuhan ang buhay sa labas.
At ang tsika sa kilalang direktor, kahit daw segue-segue sa mga taping ay laging kinakapos sa pera dahil medyo maluho raw ang wannabe actor na tinutulungan niya. Yun na!
Female celeb hindi marunong makisama sa katrabaho, feeling diva at inirereklamo ng road manager
‘Weightlifting’ video ni Matteo binanatan ng basher; tinawag na clown, joker at ‘Hidilyn wannabe’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.