'Weightlifting' video ni Matteo binanatan ng basher; tinawag na clown, joker at 'Hidilyn wannabe' Bandera

‘Weightlifting’ video ni Matteo binanatan ng basher; tinawag na clown, joker at ‘Hidilyn wannabe’

Ervin Santiago |September 12,2021
share this

‘Weightlifting’ video ni Matteo binanatan ng basher; tinawag na clown, joker at ‘Hidilyn wannabe’

Ervin Santiago September 12, 2021 - 02:35 PM

Matteo Guidicelli

PATI ang pagsabak sa weightlifting  training ng aktor at atletang si Matteo Guidicelli ay binanatan at ninega ng ilang netizens.

May basher na nag-post sa social media ng hate comment laban sa husband ni Sarah Geronimo at tinawag pa siya siya pati na ang kanyang coach ng “copycat clowns” at “wannabe Hidilyns.”

Nag-post kasi si Matteo sa kanyang Instagram ng isang short video kung saan ibinandera niya ang good news sa madlang pipol — na-beat na niya ang kanyang personal record sa pag-i-squat sa weightlifting.

Aniya, maganda ang naging resulta ng kanyang training sa ilalim ng athlete na si Arnold Aninion.

“PR UNLOCKED TODAY!!  #StayHard.

“Training with Coach Arnold has always been ‘hard working’ sessions. That’s why we do the ice baths for better recovery. Even if I disagree with him, I just do what he says in the end of the day. Just shut up and work mindset! 

“Today we unlocked a PR on squats. 130kg.  Posting the full video, for the full experience! Watch until the end!!” ang caption ng aktor sa kanyang weightlifting video.

Maraming nag-like at nag-congratulate sa actor-singer sa bago niyang achievement ngunit meron ding hindi naaliw sa kanyang ginawa at nagkomento ng hindi magagandang salita.

Pati nga ang kanyang coach ay idinamay pa ng basher sa kanyang negang comment, “Who are these jokers, wannabe Hidilyns (laughing emoji). Hidilyn is LEGIT, trained, sacrificed years to where she is now…

“And here comes the copycat clowns (clown emoji), fast track na naman? c’mon: Wala na bang magawa itong mga toh?” hirit pa ng netizen na ang tinutukoy nga ay ang weightlifter at Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Hindi naman ito pinalampas ni Matteo at sinagot ang banat ng hater ngunit sa pabirong paraan. Aniya, “These clowns are too funny.”

Sinagot din ng kanyang coach na si Arnold ang netizen, “Talk is cheap. Come over anytime.”
Dagdag pa niya, “Wag mo na e damay si Hidalyn (laughing emoji) speak for yourself na Lang and post your squat then come to me.”

Ilang Instagram followers naman ni Matteo ang nagtanggol sa kanya at talagang kinuyog ang nasabing basher. Anila, baka raw inggit lang ito sa asawa ni Sarah at gusto lang magpapansin.

“Lalim ng hugot. Siguro may masamang ginawa personally si matteo sayo para manggigil ka ng ganyan.”

“You don’t need to engage in nonsense conversation with this kind of lowlife human/animal being. The moment you engage you’re giving him the satisfaction he’s looking for. People like this poor aninmal/human doesn’t need any human attention/interaction at all. Nada.”

“Dude, 1st time makakita ng naeexercise? ung utak mo kulang sa exercise. it shows based on your comment. lol! like CMON WALA NA BANG MAGAWA IKAW SA LIFE MO.”

“Seem to know their lifestory, you follow him for sure! Youre just envious. People hate what they dream of being! Bad character bro. The pandemic is getting into you!!!”

Yan ang ilan sa mga comments ng fans ni Matteo.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending