Kilalang personalidad na may karelasyong celebrity, huli sa aktong may ka-holding hands na foreigner sa ibang bansa, manloloko yarn?! | Bandera

Kilalang personalidad na may karelasyong celebrity, huli sa aktong may ka-holding hands na foreigner sa ibang bansa, manloloko yarn?!

Reggee Bonoan |August 20,2023
facebook
share this

Kilalang personalidad na may karelasyong celebrity, huli sa aktong may ka-holding hands na foreigner sa ibang bansa, manloloko yarn?!

Reggee Bonoan - August 20, 2023 - 10:26 AM

Kilalang personalidad na may karelasyong celebrity, huli sa aktong may ka-holding hands na foreigner sa ibang bansa, manloloko yarn?!

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sing-sino sila?

PINAG-UUSAPAN ng magkakaibigang alta (mayayaman) sa isang eksklusibong subdibisyon ang tungkol sa kilalang personalidad na nakitang may ka-holding hands at kayakap na foreigner guy sa ibang bansa.

Ayon sa magkakaibigang sosyalera ay may dinaluhan silang kasalan sa nasabing bansa at siyempre pagkatapos ay namasyal na sila at nag-shopping bago umuwi ng Pilipinas

Pumasok sila sa mga high-end stores at nakita nga nila ang kilalang personalidad na nakaupo sa isang tabi at may kausap sa cellphone.

Sabi ng isang alta member, “Na-meet ko na siya twice kasi pareho kaming um-attend ng event kasama nga niya si ____ (boyfriend), kaya ngumiti ako, pero hindi niya ako napansin kasi may kausap.”

So, habang namimili raw ang magkakaibigang alta ay nakita nilang parang naluha ang kilalang personalidad at kaagad nagpunas ng mga mata.

“Then may lumapit sa kanyang foreigner guy at kinausap sandali at saka siya niyakap. Dedma kami kasi baka friends lang sila. Tapos may binili si ____ (kilalang personalidad) na dress.  Paglabas nila ng store magka-holding hands sila,” kuwento ng isa sa miyembro ng alta.

Nabanggit din na nakunan nila ng picture through their cellphones ang kilalang personalidad at foreigner guy na magkahawak-kamay.

Naaliw kami kasi itong magkakaibigang alta ay mga Marites (tsismosa) din dahil naikuwento nila kaagad sa mga kaibigang nandito sa Pilipinas kaya kumalat na ang tsika.

Sabi namin, walang masama sa holding hands lalo’t nasa ibang bansa ka dahil normal naman iyon sa magkaibigan.

Baka Bet Mo: Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

“Sa tanda kong ito, alam ko na ang body language ng magkaibigan at nagkakagustuhan. Hindi sila magkaibigan lang, may something sa kanila,” diing sabi ng aming kausap.

Tinanong kami kung kumusta ang relasyon ng kilalang personalidad at ng dyowa niyang nandito sa Pilipinas. Sinagot namin ng busy yata sa career niya.

Nabanggit din ng isa sa alta member, “Sabagay, wala rin namang may gusto kay _____ (dyowa ng celebrity) ever since parang hindi siya madaling i-approach.”

Sa kasalukuyan ay dumating sa bansa ang kilalang personalidad, “Nandito rin ‘yung foreigner guy nakita naman ni ____ (isa pang alta member) sa Makati.”

Anyway, nakitang magkasama naman ang kilalang personalidad at boyfriend niya sa isang high-end store sa Makati City kamakailan.

“So, paano ‘yun? Two timer si ____ (kilalang personalidad)?” kaswal na tanong ng aming kausap.

Well, wala namang lihim na hindi nabubunyag, abangan na lang ang susunod na kabanata.

Angel Aquino, Iya Villania, Chesca Garcia sobrang na-miss ang isa’t isa, muling nagkita-kita makalipas ang 1 dekada

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending