Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late | Bandera

Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late

Ervin Santiago |March 09,2022
facebook
share this

Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 03:15 PM

Donita Nose, Super Tekla at Boobay

KABALIGTARAN ng pinagsasabi ni Donita Nose laban kay Super Tekla ang ibinahagi ng Kapuso comedian na si Boobay patungkol sa kanyang kaibigan at ka-tandem.

In fairness, magtatlong-taon na ang comedy show nila sa GMA 7 na “The Boobay And Tekla Show” (TBATS) at mukhang malayo pa ang mararating ng programa dahil sa taas ng rating nito every Sunday.

“Three years na at hindi namin ine-expect na magti-three years! Tapos, parami nang parami yung family members namin. Meron na kaming Mema Squad, yung mga okrayan namin doon palagi,” kuwento ni Boobay sa isang panayam.

“And at the same time, ayun si Tekla! Sobrang happy naman kami ni Tekla!” aniya pa.
Sa tanong kung feeling ba niya ay magtatagal pa si Tekla sa “TBATS” sa gitna ng mga chika na may katamaran daw ang komedyante sa trabaho.

“Feeling ko, magtatagal siya, oo! Kasi, mas lalo siya ngayong nagiging focused sa ano namin. Sa mga bagong episode namin. Sa last taping namin, tatlong episodes, talagang iba yung bagsakan namin.

“Kaya abangan nila yun, yung mga bagong episode ng The Boobay And Tekla Show. Kasi, summer na, so abangan po ninyo ang mga summer episode namin!” ani Boobay.

Sa huling vlog nina Donita Nose at Tekla sa kanilang joint YouTube channel na “Donekla in Tandem”, talagang ibinuking ng una ang umano’y katamaran ni Tekla.

View this post on Instagram

A post shared by @boobay7


Kaya naman natanong si Boobay kung totoo bang tamad at pasaway si Tekla, “Nakita kong tamad siya? Hindi naman! Wala akong nakitang tamad si Super Tekla.

“Hindi ko lang alam sa kanilang dalawa, kasi sila ang nagkasama sa bahay, e. Sa studio naman, sa dressing room, hindi naman tamad si Super Tekla. 

“Kapag sinabing, ‘Roll na! Roll na!’ ready na siya kaagad-agad. Hindi ko pa naman siya nakitang late, ganyan,” aniya pa.

Sa tingin ba niya magtatagal pa ang “TBATS” sa GMA? “Nararamdaman ko po. In fairness naman talaga, sobrang sineseryoso namin, lalo na yung mga writers namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kami rin, nagugulat kami minsan, may bago kaming segment na gagawin, na bago to the eye of the audience. Sa amin mismo, bago sa mga mata namin. So, natsa-challenge din kami to do better,” pahayag pa ng Kapuso TV host-comedian.

Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending