Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart? | Bandera

Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

Reggee Bonoan |October 18,2021
facebook
share this

Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

Reggee Bonoan - October 18, 2021 - 05:09 PM

Piolo Pascual at Shaina Magdayao (Photos: CTTO)

NAPANGITI kami sa mga larawan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao kasama ang magkarelasyong Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na kuha sa isang beach resort sa Bohol.

Base sa lumabas na mga litrato sa isang showbiz website ay nakunan na sweet-sweetan sina Piolo at Shaina tulad ng nakayakap mula sa likod ng aktres ang aktor habang nakaupo na nakasandal sa kanya.

Ipinost ito ng isang netizen sa Instagram na may handle name na @shailo2012 kung saan makikita ang iba pang pictures nina Shaina at Piolo.

Mayroon ding kuha ang dalawa sa yate na tila tulog si Piolo sa kandungan ng dalaga habang nakahilig naman sa dibdib nito at meron ding magka-holding hands sila.

Hindi naman maikakaila na may namamagitan na kina Piolo at Shaina dahil kung magkaibigan lang sila, hindi naman siguro ganito ka-sweet at higit sa lahat hindi naman sila chaperon lang nina Raymart at Jodi?

Magkasama sina Shaina at Raymart sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at sila rin ang magka-loveteam sa serye bilang sina Roxanne at Victor.

Bakit kami napangiti? Kasi ito na ang sagot sa tinanungan naming kaibigan naming pareho ni Papa P kung sino ang girlfriend niya ngayon.

Sinagot kami ng common friend namin ng aktor ng, “Di ba si Shaina? Hindi ba pa sila umaamin? Matagal na silang dating, di ba? Alam ko sila na.”

Bingo! Hindi namin ito isinulat kasi ayaw naman naming masunog ang kaibigan namin na inunahan pa niya sina Piolo at Shaina pero sa mga naglabasang mga larawan ay paano kaya ito itatanggi ng dalawa?

Sabagay nasabi naman nila na exclusively dating sila, so sila na talaga at hindi na kailangan ng pag-amin dahil sabi nga, pictures don’t lie.

Komento rin ng mga kaibigan naming nakakita sa mga larawan nina PJ at Shaina, “Naku, suwerte nila ang isa’t isa. Si Shaina established na ang pangalan, pareho silang business-minded, both families are okay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya perfect combination talaga ang dalawa at sigurado namang boto ang lahat kung totoo ngang sila na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending