Kilalang male celeb nagparetoke ng mukha kahit guwapo na, lumiit ang ilong at panga | Bandera

Kilalang male celeb nagparetoke ng mukha kahit guwapo na, lumiit ang ilong at panga

Reggee Bonoan |October 09,2023
facebook
share this

Kilalang male celeb nagparetoke ng mukha kahit guwapo na, lumiit ang ilong at panga

Reggee Bonoan - October 09, 2023 - 07:52 AM

Kilalang male celeb nagparetoke ng mukha kahit guwapo na, lumiit ang ilong at panga

Guess, guess who!?

NAGTATAKA kami kung bakit ipinaayos pa ng kilalang aktor ang kanyang ilong at mukha gayung wala naman kaming nakitang mali sa itsura niya.

Ikinumpara namin ang dati niyang larawan sa bago niyang itsura ngayon at kitang-kita talaga ang pagpapaayos niya sa kanyang mukha.

Kuwento ng aming source na ilang beses naka-work ng kilalang aktor, “E, gusto ng lolo mo maganda ang shape ng fezlak kaya nagpa-contour. In fairness bumagay naman at gumuwapo lalo.”

Napakunot-noo kami kaya tsinek namin ulit at tinitigan ang mga lumang larawan at bagong intsura ngayon ng kilalang aktor, oo nga medyo malaki ng konti ang dating ilong at panga kumpara ngayon ay maganda na, masasabing perfect cone ang ilong nito.

Pero hindi raw ito inaamin ng kilalang aktor at laging dahilan ay magaling ang kanyang make-up artist kaya lumiit ang ilong niya at panga.

“Yung pampaliit ng panga puwedeng dayain sa make-up pero ‘yung may ilong na medyo malaki parang mahirap lalo na kung malaki ang buto,” sabi ng naka-trabaho ng kilalang aktor.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial: Hindi ko pinaretoke ang ilong at boobs ko!

Maraming projects sa network na kinabibilangan niya ang kilalang aktor dahil isa siya sa paborito ng management pero hindi naman blockbuster ang mga shows niya.

Kaya nagtataka rin ang aming source kung bakit sunud-sunod ang proyekto niya katulad nu’ng sinulat naming youngstar na hindi masyadong pretty at kagalingang umarte.

Biniro namin ang aming source na ka-work ng kilalang aktor na baka kailangan nila ng matinding workshop mula sa magagaling na direktor para mas lumalim pa ang acting nila dahil kapag isinama sila sa mga batang artista sa katapat na network ay baka lamunin sila pagdating sa pag-arte.

Going back sa kilalang aktor ay hindi naman din siya pahuhuli kung paguwapuhan ang pag-uusapan sa ibang kilalang artista ng katapat na network dahil guwapo naman talaga siya medyo hindi lang katangkaran.

Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madam Inutz nagparetoke ng ilong: Hindi naman porket nagpagawa ka is hindi ka na kuntento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending