Donasyon para sa pagpapalaya kay Pura Luka Vega umabot na ng mahigit kalahating milyon
UMABOT na ng mahigit kalahating milyon ang nalikom na donasyon para sa controversial drag queen na si Pura Luka Vega.
Matatandaang nitong Miyerkules ng hapon, October 4, nang biglang arestuhin ng mga pulis ang drag queen sa kanyang tinitirahan sa Sta. Cruz, Manila kaugnay ng mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Isa ang “Drag Den Philippines” director na si Rod Singh sa mga unang magbahagi ukol sa naging pag-aresto kay Luka.
At upang matulungan ang drag queen ay nagbukas ng donation channels ang direktor at mga kapwa drag queens upang pansamantalang itong makalaya.
At base nga sa inilabas na update ni Direk Rod nitong Biyernes, October 6, sa X (dating Twitter), umabot na sa mahigit kalahating milyon ang kanilang nalikom para kay Luka.
“1 pm update. Thank you for your donations!” saad ng direktor kalakip ang larawan ng buong halaga ng donasyon na P552,899.22.
Dagdag pa niya, “For now, we are still waiting for the decision regarding our motion for bail.”
Ngunit base sa latest update ni NAIA, isa sa mga kasama ni Luka sa “Drag Den Philiipines” at hinirang na Drag Supreme ng unang season, mananatili pa rin sa kustodiya ng mga pulis ang drag queen dahil inabutan sila ng pagsasara ng korte.
View this post on Instagram
“UPDATE: Pura Luka Vega will stay in police custody. The motion for bail was granted later this afternoon after a clarificatory hearing but unfortunately, the court is already closed for the submission of the requirements for release,” lahad ni NAIA.
Samantala, maglulunsad naman sila ng drag show at bazaar sa Brooklyn Warehouse Manila sa Linggo, October 8, bilang pagbibigay suporta sa kaibigang kasalukuyang nakapiit sa kulungan.
Related Chika:
Ice Seguerra sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega: ‘Grabe na kayo makaalma…Ang bilis niyong magsampa ng kaso’
Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.