Kilalang singer kinainisang ng kanyang handler, mga nakapilang guestings at raket nawala bigla, anyare? | Bandera

Kilalang singer kinainisang ng kanyang handler, mga nakapilang guestings at raket nawala bigla, anyare?

Reggee Bonoan |October 06,2023
facebook
share this

Kilalang singer kinainisang ng kanyang handler, mga nakapilang guestings at raket nawala bigla, anyare?

Reggee Bonoan - October 06, 2023 - 06:05 PM

Kilalang singer kinainisang ng kanyang handler, mga nakapilang guestings at raket nawala bigla, anyare?

TRULILI kayang “pahinga” ang career ngayon ng singer na kilala dahil sa taas ng boses at maraming subscribers sa kanyang social media platform dahil nairita sa kanya ang kanyang talent management?

Kaliwa’t kanan imbitasyon at raket ng singer dahil magaling naman talaga siya kaya naman kahit sa malalayong lugar sa Pilipinas ay nararating niya at dahil dito ay nagIng bukambibig ang pangalan niya sa music industry.

Dahil sikat ay kinuha siyang contract star ng talent management para may mag-represent daw sa singer pagdating sa negosasyon at para maalagaan ang kanyang career at iba pang pangako.

Tuwang-tuwa naman ang singer dahil malaking kumpanya ang talent management niya kahit pa may nagma-manage na rati ng career niya at okay naman sila pero dahil nga sa magagandang pangako ay tinanggap niya ang offer.

At dahil sikat naman na talaga si singer kaya ang mga dating kumokontak sa kanya ay dumidiretso pa rin sa kanya o sa dating manager lalo’t affordable ang presyo na sakto sa pangangailangan ng singer at ng ka-banda niya.

Ending hindi ito nagustuhan ng talent management niya dahil nga naka-kontrata siya na dapat ay dadaan sa kanila at sila ang magpe-presyo.

Sinunod naman ng singer ang gustong mangyari ng talent management na lahat ng inquiries niya ay pinapasa niya sa management kaya lang nagtataka ang mang-aawit dahil bakit daw wala nang bumabalik sa mga nag-inquire? Dati-rati naman ay okay lahat.

Hanggang sa nalaman niya sa mga nag-inquire na sobrang taas ng presyong ibinibigay ng management niya na tila presyong ayaw magpa-book.

Kinausap ng singer ang management at sinabi nga niya na nakausap nya lahat ang mga nagi-inquire dahil dati na niyang mga suki at maganda rin naman ang bigay sa kanila pero ang ikinatwiran ng namamahala ng career ng mang-aawit ay sadyang itinaas para sa ikagaganda ng imahe niya bilang sikat na singer.

Nangatwiran daw ang singer na hindi niya kailangan ng ganu’n imahe dahil mas need niyang kumita dahil kailangan niya bagay na hindi nagustuhan ng taong may hawak ng karera niya.

At dahil dito ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang singer at taong may hawak ng career niya kaya sa kasalukuyan, lahat ng guestings ng bida ng blind item na ito ay nawala lahat as in at hindi na rin siya binibigyan ng raket.

Tumanggap ng raket ang singer at nalaman ito ng taong may hawak ng career niya at binantaan siya na kapag naulit ay mauuwi na ito sa usaping legal.

Sa kasalukuyan ang sikat na pangalan ng singer ay unti-unti ng nawawala sa mainstream at tanging pinagkaka-abalahan ay ang posting na lang nito sa social media pages niya.

Kaya tinanong din kami ng kampo ng singer kung ano ang dapat nilang gawin na ang payo namin ay tapusin na lang ang kontrata para hindi sila makasuhan ng breach of contract.

Baka Bet Mo: Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee

* * *

Pasabog na pagganap ang ibinigay ni Jane Oineza sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” na binigyang puri ng online viewers, partikular na sa eksena kung saan natuklasan ni Claire (Jane) ang kanyang tunay na katauhan bilang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) na si Olivia.

“She totally nailed it and really deserves an international award,” ani ng isang X user na pumuri sa bigating eksena ni Jane noong Miyerkules (Oktubre 4) pagkatapos manumbalik ang kanyang alaala.

“The breakdown scene is on point. Sarap ng sigaw nya. Parang ikaw din nabunutan ng tinik sa dibdib,” sabi ng isa pang X user.

“Hindi talaga sila nagkamaling si Jane Oineza ang lead role dito, deserve niya dahil napakagaling niyang artista,” post naman ng isang netizen sa YouTube.

Dala ng kanyang gigil para maghiganti, haharapin ni Claire ang mga kasinungalingan ni Philip (JC De Vera) habang patuloy na magpapanggap bilang asawa nito.

Sa kanyang pag-uungkat sa madilim niyang nakaraan, mananatili kaya si Claire sa piling ni Philip o babalikan niya ba ang unang asawa niya na si Lucas?

Samantala, maghahatid naman ng saya at good vibes ang cast ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza ngayong Sabado (Oktubre 7) sa KCC Mall of Gensan (5pm) at KCC Mall of Marbel (8pm).

Huwag palampasin ang maiinit na eksena ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, Twitter (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina: Kasi baka ako ‘yung reason

Cristy Fermin binoldyak ang grupo ni James Reid matapos tawaging ‘Nega-star ng bashers’ si Liza: ‘Gumawa kayo ng sariling diskarte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending