Lovely Abella nanghinayang sa natirang pumped breast milk, ipinainom sa asawa | Bandera

Lovely Abella nanghinayang sa natirang pumped breast milk, ipinainom sa asawa

Therese Arceo |October 06,2023
facebook
share this

Lovely Abella nanghinayang sa natirang pumped breast milk, ipinainom sa asawa

Therese Arceo - October 06, 2023 - 12:39 PM

Lovely Abella nanghinayang sa natirang pumped breast milk, ipinainom sa asawa
AMINADO ang aktres na si Lovely Abella na masakit para sa kanya na konti lang ang naibibigay na breast milk sa kanilang newborn baby ng asawang si Benj Manalo.

Ito ay ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang video niya na uploaded sa TikTok.

Saad ni Lovely, “Masakit sa ating mga mommies pag walang napproduce na milk para sa mga anak natin, kaya lahat gagwin at iinumin dumami lang ang milk supply.”

Mapapanood nga sa naturang video ang wala pa sa kalahating lalagyan ng na-pump na breastmilk ng vlogger-actress.

“Nanghihinayang kasi talaga ako dito. Wala pang 1 oz ‘yung aking milk. So alam naman natin na sa mga mommies, very… parang luxury na ang milk na ito sa atin kaya iinumin na lang ng asawa ko,” natatawang sabi ni Lovely.

Tila nabigla naman si Benj nang iabot sa kanya ng asawa ang gatas ngunit kalaunan ay tinanggap niya rin ito at tinikman.

Baka Bet Mo: Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Go dad. Sayang naman,” sey ni Lovely uoang i-cheer sa pag-inom ang asawa.

Sey ni Benj, masarap naman daw ang breadt milk at lasang buko rin daw ito.

Pinaubos na nga ni Lovely sa asawa ang gatas at sinabi sa huli na, “Bongga! Walang tapon!”

Makikita naman sa comment section na marami ang nakaka-relate sa struggle ngayon ng actress-comedienne at sinabing normal lang ito.

“Hello po, konti lang po talaga sa first month Ms Lovely dahil kung supply and demand lang.. lalakas din po yan,” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Konti lang talaga ang poproduce for the first few weeks dahil konti pa lang naman ang need ni baby na milk. As time goesby dadami na din ang yan.”

May mga mommies rin na nagpayo kay Lovely ng mga maaari niyang bilhin upang makatulong sa kanya para mas dumami ang kanyang breast milk.

Matatandaang kamakailan lang nang operahan siya matapos makakuha ng impeksyon ilang araw matapos niyang ipanganak ang kanilang panganay ni Benj.

Sa ngayon ay mas maayos na ang lagay ni Lovely at nakapiling na niyang muli ang kanyang pamilya matapos ma-discharge sa ospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending