Sandara Park naubos ang pera dahil sa pagiging fashionista, walang hilig sa bahay at kotse | Bandera

Sandara Park naubos ang pera dahil sa pagiging fashionista, walang hilig sa bahay at kotse

Reggee Bonoan |October 05,2023
facebook
share this

Sandara Park naubos ang pera dahil sa pagiging fashionista, walang hilig sa bahay at kotse

Reggee Bonoan - October 05, 2023 - 07:13 AM

Sandara Park naubos ang pera dahil sa pagiging fashionista, walang hilig sa bahay at kotse

Sandara Park

ANG mga pagkaing Pinoy ang isa sa dahilan kung bakit laging bumabalik ng Pilipinas ang Korean singer-actress na si Sandara Park.

Maraming beses nang pabalik-balik sa bansa si Sandy (na tinagurian ding Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas) pero hindi ito nalalaman ng lahat.

Makikita na lang na may mga netizens na nag-post sa kanilang social media account na kinunan nila ang singer-actress habang nasa mall, kumakain o kaya ay may mga binibili.

Ang mga nami-miss niyang pagkain ay, “sinigang na hipon, sisig, (at) pinakbet.”

Sa panayam ni Luis Manzano kay Sandara, na mapapanood sa YouTube channel nito, ay natanong siya kung hindi ba siya nakakatikim sa Korea ng mga ganitong ulam lalo na sa Filipino community.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Meron naman pero siyempre iba pa rin ang lasa and then malayo sa amin (lugar niya),” sagot nito.

Sabi nga ni Sandara, bumabalik siya sa Pilipinas every weekend at sobrang natutuwa at masaya siya dahil kilala pa rin siya kapag nasa market daw siya ay kilala siya ng mga lolo’t lola at tinatawag ang pangalan niya.

“Sobrang nagpapasalamat ako kasi tinatawag nila ang name ko, ‘Sandara-Sandara’ at nakikita ng management ko from Korea and they said, ‘wow, you are really loved in the Philippines.’

“Kaya proud na proud ako kaya mahal na mahal ko kayong lahat,” pahayag ng produkto ng reality show na “Star Circle Quest” (2004) dito sa Pilipinas.

Samantala, inamin din ni Sandy na sana’y hindi na lang siya umalis ng bansa dahil pagdating niya ng Korea ay nagsimula siya sa scratch para matupad ang pangarap niyang maging mang-aawit hanggang sa nakabuo sila ng Korean girl group na 2NE1.

Baka Bet Mo: Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

At sa kabila nang kasikatan ni Sandara ay aminadong ngayon pa lang siya nagsisimulang mag-ipon dahil noong nandito siya sa Pinas ay wala siyang pera dahil lahat ng kinita ay ibinili ng mga sapatos at mga damit.

“Oo, magastos ako sa fashion and shoes,” kaswal na sabi ni Sandara.

At nang bumalik siya ng Korea at sumikat na dahil sa girl group nila ay nagkaroon siya ng realization.

“Lately kasi mga friends ko mga kasabay ko dati may swimming pool sila sa bahay, meron silang sariling bahay, building and marami silang cars. Wala akong interes sa house or lupa o sa cars. Ang interes ko lang sa fashion,” katwiran ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


Sabi naman ni Luis, baka sa mundo naman ng fashion mapapansin si Sandara dahil naging head turner din siya noon sa Paris Fashion Week 2022.

“Yes marami namang nag-a-appreciate rin sa akin when I went to Paris Fashion Week (ipinakita ang mga larawan ni Dara nang rumampa siya) marami ring nagimbal sa akin, ‘yun lang wala akong pera,” diretsong sabi ni Sandara.

Salo ni Luis, “Minsan mas madaling maging masaya ng may pera, pero minsan puwede kang maging masaya kahit wala kang masyadong pera. Kaya mong mahanap ‘yung sariling fulfillment mo.”

At pagdating sa lovelife ay inamin din ng dalaga na super private ang personal life niya at sa 20 years, “Siyempre nagkaroon din ako ng boyfriend.”

“Bakit hindi mo naikuwento sa akin ‘yan?” tanong kaagad ng TV host-content creator.

“Baka kasi sabihin mo sa YouTube mo, eh,” mabilis na sagot ni Dara na ikinatawa rin ni Luis.

Sa bandang huli ay inamin ni Sandara na gusto niyang makagawa ng pelikula rito sa Pilipinas kaya naman nanawagan din si Luis na baka may gustong kumuha sa dalaga.

Wala namang partikular na aktor o aktres na binanggit si Sandy kung sino ang gusto niyang maka-work.

Rocco kabadung-kabado na sa nalalapit na panganganak ni Melissa; humingi ng daddy tips kina Juancho at Dennis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending